Feelennials nina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani, naramdaman ba sa takilya?

by PEP Troika
Jun 21, 2019
PHOTO/S: Arniel Serato

NOEL FERRER: Habang ang mga taga-showbiz ay nagluluksa sa pagpanaw ng dakilang icon na si Tito Eddie Garcia, nagdadalamhati rin ang mga kausap naming theater operators nang sabihin nilang hindi kalakasan ang lone Filipino film na nagbukas ngayong linggo.

P800K ang kinita ng pelikulang Feelennials nina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani noong opening day, Hunyo 19, Miyerkules.

Bumaba pa raw ito kahapon, Hunyo 20.

It was also sad to note na mas mababa pa raw ang kinita ng pelikulang produced by Pops Fernandez and Cignal kesa sa pelikula ni Ai-Ai with Ex Battalion sa Viva Films.

Hay naku, if it’s any consolation, hindi rin malakas ang Rocketman habang ang Anna ay umabot naman ang opening day gross ng P2.2M.

Ang isang factor pa ay malakas pa rin ang Men In Black: International.

Good showing din ang first day ng Toy Story 4 nitong Hunyo 20, Huwebes.

Nasaan na kaya ang Pinoy viewers? Sayang naman ang palabas na pelikulang sariling atin.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Showing pa rin ang horror movie ni Jodi Sta. Maria na Clarita.

Nitong Huwebes ay nagbukas din ang Child’s Play.

Nakakalungkot ang sinapit ng Feelennials, lalo pa’t nakakaaliw naman ang pelikula. Nakakatawang tunay!

Hindi man masyadong kilala sina Arvic Tan at Raffy Roque na major support kina A- Ai at Bayani, may potential sila.

Sa Hunyo 26, Miyerkules, palabas na ang Because I Love You nina David Licauco & Shaira Diaz, at KontrAdiksyon nina Jake Cuenca & Kris Bernal.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results