Pamilya ni Eddie Garcia, ituloy kaya ang pagsaboy ng abo ng aktor sa Manila Bay?

by PEP Troika
Jun 22, 2019
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for YES! / Michael Romero Facebook

GORGY RULA: Isa sa miyembro ng pamilya ni Eddie Garcia ang naka-chat ko nitong Hunyo 21, Biyernes ng hapon.

Ayon sa kanya, ang initial na desisyon nila, pagkatapos ng wake sa Linggo, gusto raw ng longtime partner ni Manoy na si Lilibeth Romero na iuwi muna ang ashes ni Manoy sa kanilang tahanan sa Alabang.

Saka na lang daw nila pagdedesisyunan kung saang Columbary nila iyon ilalagak.

Sa mga nakaraang interviews kasi ni Manoy Eddie, sinabi niyang gusto niyang isaboy sa Manila Bay ang kanyang mga abo.

Pero baka si Lilibeth ang medyo hesitant na sundin ang kagustuhan ng namayapang partner, kaya hinihintay nila kung ano na ang mapagdesisyunan ng buong pamilya.

Abangan na lang siguro natin ang official statement ng pamilya ni Eddie Garcia kung ano ang gagawin sa kanyang mga abo.

NOEL FERRER: Maagang dumating sa Heritage Memorial Park ang nag-iisang Superstar Nora Aunor para magpugay sa kanyang naging co-actor at director.

Continue reading below ↓

Dumating din sina Tito Sotto, Ali Sotto, Ricky Davao, Nova Villa, Chanda Romero, Daria Ramirez, Tirso Cruz III, pati sina Alden Richards and Sunshine Dizon.

Kasama ko rin ang aking tatay-tatayan na si National Artist Bien Lumbera, founding member ng Manunuri Ng Pelikulang Pilipino na naggawad kay Tito Eddie ng recent Best Actor award mula sa Gawad Urian.

Nang papaalis na ako, siya namang pagdating nina Caridad Sanchez at Susan Roces.

JERRY OLEA: Totoo bang bawal nang magsaboy ng abo sa Manila Bay?

Ayon sa sources ng PEP Troika, naka-Navy blue suit si Manoy, may stripes ang kurbata, at walang make-up nang i-cremate.

Bawal daw ang cell phone sa “send off” kay Manoy.

Lubos ang ating pakikiramay sa mga inulila ni Eddie Garcia. Mananatili siya sa ating alaala!

Read Next
Read More Stories About
Eddie Garcia, lilibeth romero
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for YES! / Michael Romero Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results