Joross Gamboa, pinatotohanan ang kabaitan ni Alden Richards

by PEP Troika
Jun 24, 2019
PHOTO/S: Joross Gamboa Instagram

JERRY OLEA: Ayon kay Joross Gamboa, masayang-masaya ang three-week shooting nila sa Hong Kong ng Kathryn Bernardo-Alden Richards movie na Hello, Love, Goodbye.

“Kami ang first time na nakatrabaho ni Alden [Richards] na taga-ABS-CBN,” lahad ni Joross nang makausap namin nitong Hunyo 23, Linggo, sa 3rd Piña Festival ng Ormoc City.

“Nagkatrabaho lang kami sa Sunday PinaSaya, saglit lang. Pero ikinukuwento nga ni Alden, sobrang tuwang-tuwa siya.

“Isinasama nga ni Alden kami ni Jeff Tam sa bagong project niya.

“Ang bait ni Alden! Sobrang tuwang-tuwa kami ni Jeff sa kanya. Walang ere.”

View this post on Instagram

Nalugi kami... walang sumali sa business namin. ??swipe for History #hellolovegoodbye

A post shared by Joross Gamboa&Katz Saga-Gamboa (@joross_gamboa) on

Tabi-tabi pa sila sa pagtulog, huh?!

“Nagsimula yun, nagkuwentuhan kami ng nakakatakot. 'Tapos, nagpakitaan na ng mga picture na nakakatakot.

“'Tapos nun, umabot kami na nanood ng mga lumang palabas ng Magandang Gabi, Bayan. Mga Halloween episode.

“Cut to hinihila ko yung kama palabas ng sala!

"Sabi ko sa kanila, ‘Pasensiya na, hindi ko kaya! Dito ako matutulog sa sala!’

Continue reading below ↓

“E, si Jeff, natakot din, doon din natulog.

"Cut to si Alden, dala yung mga unan niya, doon daw siya sa may sofa.

“So, kaming apat na magkakatabi—ako, si Alden, si Jeff at ang asawa niya, andoon sa gilid!

“So, nag-pray kami bago matulog.

"Ganoong level ng takot kasi ang inabot! Nagdadasal-dasal na kami bago matulog."

NOEL FERRER: Naging maganda talaga ang samahan nina Joross, Jeff, at Alden.

They only have good words for one another. At talagang suportahan sila sa projects ng isa’t isa.

Sa katunayan, sa isang show raw ni Jeffrey, ang inimbitahan daw na kasama ni Alden ay si Winwyn Marquez.

As in ganoon sila ka-close, ha, para maging kumportable sa isa’t isa.

Kaso mo, sayang at hindi raw natuloy yun.

I’m sure there’ll be more bonding sessions for this trio, lalo pa’t promo at papalapit na ang showing ng kanilang pinagsamahang pelikula.

All the best!

GORGY RULA: Totoo bang may mga lakad dapat silang tatlo na gusto sanang isama ni Alden si Winwyn?

Continue reading below ↓

Naging close ang dalawa as friends lang ang pagkakaalam ko.

Huwag na sigurong lagyan ng malisya, kahit naisyu silang dalawa.

Nakakatuwa dahil nagustuhan talaga si Alden ng mga nakatrabaho niya.

Mabait daw talaga ang Kapuso actor, kaya gustung-gusto siya ng mga taga-Star Cinema, at co-actors lalo na si Kathryn Bernardo.

Posible kayang masundan ng isa pang pelikula si Alden sa Star Cinema?

Nakailan na ba si Dingdong Dantes sa film outfit ng Kapamilya Network?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Joross Gamboa Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results