Friday opening ng local at foreign films, magsisimula na sa July 10

by PEP Troika
Jun 25, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Inilabas na ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Memorandum Circular No. 2019-01 kaugnay sa mga patakaran at guidelines sa pagpapalabas ng mga pelikula—lokal man o dayuhan—sa mga sinehan ng bansa.

“This [Memorandum Circular] is the culmination of FDCP’s efforts to strengthen our industry practices and level the playing field for all our stakeholders—from film producers, to distributors, to our exhibitors, and even the audience—through a transparent and fair set of guidelines that addresses the gaps that have long plagued our industry when it comes to screening films in commercial theatres,” pahayag ni FDCP Chairperson Liza Diño.

Magiging Biyernes na ang opening day ng mga pelikula sa Pilipinas, sa halip na Miyerkules.

Garantisadong ipapalabas ng tatlong araw (Biyernes hanggang Linggo) ang mga pelikulang nakakuha ng booking.

Ibig sabihin, walang screen splitting. Walang double booking or exhibition sa isang sinehan.

Continue reading below ↓

Minimum na pitong araw ang showing ng mga pelikulang nai-book para sa theatrical release.

Upang maengganyo ang mga kabataang manood ng pelikulang Pilipino, ang tiket para sa mga estudyanteng 18 years old and younger ay Two Hundred Pesos (P200) sa Metro Manila, at hindi lalampas sa One Hundred Fifty Pesos (P150) sa mga probinsiya tuwing Miyerkules.

Continue reading below ↓

Ang Pinoy films na itinanghal sa mga sinehan ay maaari lamang ipalabas sa ibang platforms sa bansa makalipas ang 150 araw ng first day ng showing nito.

Ang mga alituntuning ito ay mag-uumpisa sa Hulyo 10, Miyerkules.

NOEL FERRER: Sa wakas, matutuloy na rin ito!

Sana nga, makatulong ito sa lahat ng sektor ng industriya.

At sana, mas maging masigla pa ang ating mga lokal na pelikula dahil sa panukalang ito. Sana talaga!!!

GORGY RULA: Magandang balita ito sa ating movie industry.

Sana maipapatupad talaga ito at walang pasaway na mga sinehan. Pero mas maganda ito kapag inaksyunan na rin ng ating mga mambabatas.

Sabi ni Congressman Dan Fernandez, dapat maisabatas dahil kung Executive Order lang, puwedeng mabago pa kapag iba na ang pangulo ng bansa.

Sapat ang mga mambabatas na galing sa showbiz. Sana tutukan nila ito hanggang sa maging batas.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results