Sen. Bong Revilla, napaluha nang manumpa kay Pangulong Duterte

by PEP Troika
Jun 27, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Bakas sa mukha ni Senador Bong Revilla ang kasiyahan sa thanksgiving dinner niya nitong Hunyo 26, Miyerkules ng gabi, sa Frabelle Corporate Plaza, Makati City.

“Napakatindi ng mga pinagdaanan natin, you could just imagine from Crame to Senate,” nakangiting pahayag ni Senador Bong.

'“Talagang up to this point in time, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito tayo ngayon.

“Lalung-lalo na kahapon habang ako ay sumusumpa sa harap ng Pangulo, iba yung pakiramdam.

“Parang... totoo ba ito? Totoo ba ito? Am I dreaming? Iyon ang pakiramdam ni Bong Revilla.

“Lalung-lalo na po nang umupo ako sa aking upuan, katabi ko yung aking apo.

"Tinutukso pa ako ni Gianna, ‘Papa, umiiyak! Umiiyak! Umiiyak!’ Ssshhh! Ssshhh!

“Without me knowing, tumutulo yung luha ko...”

Dahil sa bigat, hapdi, at sakit na pinagdaanan ni Senador Bong, grabe ang pakiramdam niya ngayong mahalal siyang muli.

Continue reading below ↓

Patuloy siyang minamahal at pinagkakatiwalaan ng halos 15 milyong botante.

Lubos ang pasasalamat niya sa Panginoon.

“Thank you, Lord!” bulalas ng actor-politician.

“Sa ‘Yo po lahat ito.”

Nasa victory dinner siyempre ang mga anak at kapatid ni Senador Bong, at ang nag-iisang maybahay niya na si Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Continue reading below ↓

Nag-duet ang LaBong ng walang kamatayang "Ikaw," na sa huli ay masuyo silang naghalikan.

At minsan pa, nag-budots si Senador Bong.

NOEL FERRER: Ang pinanghahawakan natin kay Senator Bong Revilla ay ang pagtatrabaho niya nang lubos, todo, at wagas.

Gusto niyang mabago ang imahe niya sa publiko kaya gagawin niya ito. Hindi sa make-believe na politika, kundi sa totoong buhay!

Continue reading below ↓

Bukas naman, si Mayor Lani naman ang manunumpa muli bilang Ina ng Bacoor City.

Congratulations po!

JERRY OLEA: Nakita ba ni Presidente Duterte ang pagluha ni Senador Bong sa Malacañang Palace?

“Hindi! Medyo malayo siya sa akin!” natawang tugon ni Bong nang mainterbyu namin.

“Merong nagbiro, sabi ni Lani... sino ang nagsabi, si Jolo ba o si Lani? ‘Mr. President, puwede ba kayong mag-budots ni Sen. Bong?’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Sumagot... sumagot ang Presidente. Sabi niya, ‘Why not?’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Parang nagpatawa lang. 'Tapos, tawanan. Tawanan!”

May budots challenge sa thanksgiving dinner ni Senador Bong.

Budots party tuloy ang dating!

“Sabi nga, happy lang tayo! Happy lang.”

Durog na durog si Bong sa social media nitong nakaraang eleksyon.

Sandamukal ang budots memes niya. PERO... hayan nga at wagi pa rin siya! Vindicated!

Continue reading below ↓

Napangiti si Senador Bong, “Siguro, masasabi ko... maraming salamat, budots.”

GORGY RULA: Ayaw pang kumpirmahin sa amin ni Senator Bong kung totoong ibibigay sa kanya ang chairmanship ng Committee on Public Information and Mass Media.

Hintayin na lang daw pag nagsimula na sila sa Senado.

Sakaling ibigay sa kanya, isa sa haharapin niya ay ang social media, lalo na ang matinding bashing at trolling.

Ilalabas daw niya ang mukha ng mga taong nasa likod ng pamba-bash.

Isa raw siya sa nabiktima ng matinding bashing, pero hindi raw ito paghihiganti.

Sabi nga niya, hindi siya bumalik sa Senado para gumanti, kundi tumanaw ng utang na loob at magsilbi sa sambayanang Pilipino.

Pagdating sa bashers, matagal na raw niyang pinatawad ang mga ito dahil mas gusto niyang mag-focus sa bagong responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya ng mga tao.

“Ako, pinatawad ko na sila,” pakli niya.

“Ako, isa sa biktima ng fake news, mga trolling na iyan, mga grabeng pamba-bash, black propaganda, lahat na.

Continue reading below ↓

“Ibang klase ito sa showbiz, e. Yung babatuhan ka ng napakasakit na hindi mo kayang lunukin.

“Pero as I said, pinatawad ko na sila.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results