Marian Rivera, proud na marami siyang gatas para kay Baby Ziggy

by PEP Troika
Jun 25, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Cup D na raw ang size ng dibdib ni Marian Rivera.

Proud siyang ikinuwento sa aming ang dami niyang gatas para kay Baby Ziggy, ang bunsong anak nila ni Dingdong Dantes.

Kapag biglang tingin, akala mo ay medyo tumaba siya dahil lumaki ang dibdib niya pagkatapos niyang manganak kay Ziggy.

Pero pumayat ang Kapuso Primetime Queen dahil nagpapa-breastfeed siya kay Ziggy.

Never daw siyang nag-diet para pumayat dahil hindi puwede habang nagpapa-breastfeed sa baby niya.

“Hindi ako puwedeng mag-diet, kasi kapag nagpapadede ka, mawawala yung nutrition.

"Ano ang lalabas kung nagda-diet ako? Natural lang talaga," nakangiting pahayag ni Marian nang nakatsikahan namin nitong Hunyo 25, Martes, sa SM Megamall kung saan nag-renew siya ng kontrata bilang Brand Ambassadress ng Kultura.

Natutuwa ang mga taga-Kultura dahil si Marian daw ang typical Pinay Mom na nagbibigay-inspirasyon sa mga kababaihan, mga ina na priority ang pamilya, lalo na ang kanilang mga anak.

Continue reading below ↓

Dalawang buwan pa lang siya nakapanganak at ito raw muna ang priority niya.

Kaya kapag tinatanong siya kung kailan na siya babalik sa trabaho, hindi pa niya masabing “soon.”

Pinapakiusapan na raw ng Tadhana si Marian na bumalik na.

Sinulatan na raw siya kung puwedeng bumalik na siya, kaya pinag-iisipan niya kung end of July ay mag-taping na siya.

Sa ngayon ay endorsements muna ang gagawin ni Marian bago siya bumalik sa kanyang regular shows, kagaya ng Sunday PinaSaya at Tadhana.

Masaya na kasi si Marian sa mga natamo niya sa buhay, na mayroon siyang dalawang anak at asawang napakabait at nag-aalaga sa kanila.

“Ang saya, e. Parang pangarap na ibinigay at ipinagkaloob talaga sa akin ng Diyos,” masaya niyang pahayag.

JERRY OLEA: Makabubuting tutukan muna ni Marian ang pagpapalaki ng dalawang anak nila ni Dingdong.

Sipag-sipagan si Dingdong sa paghu-host ng StarStruck at Amazing Earth.

Continue reading below ↓

Andiyan pa ang Pinoy version ng Koreanobelang Descendants of the Sun.

Ang alam ko ay may pelikula rin ang Kapuso Primetime King.

Ipaubaya na lang muna ni Marian kay Dingdong ang pagkayod, di ba?

At sana, masundan pa si Ziggy!

NOEL FERRER: Tama ang priorities ng pamilya Dantes.

Pinili ni Dong na pamilya muna at ipinagpaliban ang politika.

Si Marian naman, pamilya muna bago TV o pelikula.

Para at least, walang masasabi ang mga anak nito sa kanya at natutukan niya ang kanilang paglaki.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results