Sahaya ng GMA-7, bagong makakatapat ng FPJ's Ang Probinsyano ng ABS-CBN

by PEP Troika
Jun 26, 2019
PHOTO/S: Instagran

JERRY OLEA: Magwawakas na ang GMA-7 prime-time series na Kara Mia sa Hunyo 28, Biyernes ng gabi.
Post ng Kapuso soap opera writer na si Suzette Doctolero, nitong Hunyo 26, Miyerkules ng umaga, sa Facebook:
"Simula po sa July 1 ay Sahaya na ang unang mapapanood sa Primetime ng GMA 7. Papalitan nito ang sched ng Kara Mia.
"The Better Woman, starring Derek and Andrea, ang nasa slot 2. Abangan po mga kapuso!"
So, ang teleserye ni Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang makikipagsalpukan sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.
Ang mapangahas na The Better Woman ang makikipagpukpukan sa The General’s Daughter ni Angel Locsin.
Mananatili sa timeslot nito ang Love You Two nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado, na nakikipagkabugan sa Mea Culpa: Sino Ang May Sala nina Jodi Sta. Maria at Bela Padilla.
NOEL FERRER: Sana naman, Sahaya can hold its own against FPJ’s Ang Probinsyano, lalo pa’t nagagalingan talaga akong umarte kay Bianca Umali.
In any case, sana’y mag-work ang bagong Kapuso teleserye, lalo pa’t sizzling hot ang promo ng tambalang Derek at Andrea.
But of course, ganyan talaga ang buhay teleserye—hindi lang narrative ang batayan, kundi competition din.
They have to adjust to what the other one is/isn’t doing! Good luck.
Sana, ang mananalo riyan ay ang mga manonood!!!
GORGY RULA: Na-extend ang Sahaya kaya ito na raw ang tatapat sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Pero nang tinanong ko ang ilang taga-GMA 7 sa mediacon ng Starstruck 7, nitong Hunyo 25, Martes ng gabi, wala pa silang sinasabi sa mga babaguhin sa timeslot.
Hinihintay lang daw ang order kung maglalabas na sila ng official announcement.
Baka nakadepende ito sa kung ano ang napagkasunduan sa meeting ng mga taong involved sa Rosang Agimat, ang Kapuso teleserye kung saan naaksidente si Eddie Garcia.
Kaya hintayin na lang natin ang ilalabas na statement ng GMA-7.
Samantala, nagkakaroon na raw ng sepanx ang mga taga-Kara Mia.
Sabi ng dalawang bidang sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz, tiyak na mami-miss nila ang mga patawa in John Estrada, pati ang never-ending tsikahan nila nina Carmina Villaroel at Glydel Mercado.
Hindi raw nila mami-miss ang partners nilang sina Jak Roberto at Paul Salas dahil tiyak na magkikita sila uli.
Lumalabas kasi sila kapag walang taping, dahil nabuo ang magandang samahan nilang apat.
Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagran
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results