David Licauco at Shaira Diaz, bigay na bigay sa kissing scene sa pelikula

by PEP Troika
Jun 26, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Kilig-kiligan ang fans ng tambalang ShaiVid o David Licauco at Shaira Dia sa premiere night ng pelikulang Because I Love You, nitong Hunyo 25, Martes ng gabi, sa SM Megamall.

Konting kibot lang nina David at Shaira kapag magkaeksena sila ay pumapalakpak at tili ng tili ang kanilang mga tagahanga.

Tuwang-tuwa siyempre ang Chinito Heartthrob at Millennial Sweetheart sa mainit na pagtanggap ng audience sa premiere night ng kanilang pelikula.

Sabi ng direktor nilang si Joel Lamangan, "Mahusay naman ang pagkagawa namin ng pelikula. Mahusay ang artista, si David at si Shaira.

"They are new millennial stars, and I assure you, they will not disappoint you!"

Bigay na bigay sina David at Shaira sa kissing scene. Hindi sila nag-inarte!

Kuwento ni Direk Joel, "Behaved sila! Sabi ko, 'Eto, maghahalikan kayo. Ayoko ng halikan na nakasara ang labi! Nababahuan kayo sa isa’t isa?'

"Di ba? Hindi puwede! 'Kung hindi, paulit-ulit ang gagawin natin. Mapapagod kayo. Mapapagod ako. Gawin niyo na ang tama!'"

Continue reading below ↓

Ayon sa producer ng ALV Films na si Arnold L. Vegafria, palabas today sa 120 sinehan ang Because I Love You.

Kasabayan nito this week ang Kontradiksyon nina Jake Cuenca at Kris Bernal, at ang horror movie na Annabelle Comes Home.

Sa Hulyo nakatakdang ipalabas ang mga pelikulang Spider-Man: Far From Home; The Lion King; Fast and Furious: Hobbs & Shaw; at Hello, Love, Goodbye na pawang inaabangan ng moviegoers.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Ang masasabi ko lang sa mga ipapalabas na local films ngayon, isang matinding GOOD LUCK!

GORGY RULA: Nakakatuwa itong pagpasok ni Arnold Vegafria sa movie production.

At least, dagdag-trabaho ito para sa mga taga-industriya at hindi nawawalan ng trabaho ang mga hawak niyang artista.

Pero sana, maayos ang nabuo niyang creative team. Ang nakikita ko kasi, parang babara-bara lang sila sa mga ginagawa nilang pelikula.

Kagaya nitong Because I Love You, parang napakaaga pang isabak sa lead role sina David Licauco at Shaira Diaz.

Kung medyo inurong pa nang konti, baka magswak naman dahil napapansin na at kinagigiliwan si Shaira sa Love You Two.

Unti-unti pa lang nga napapansin si Shaira at pati na rin si David, baka maudlot lang ang pagsikat kung hindi maganda ang kalalabasan sa takilya nitong pelikula nila.

Pero malay natin, baka may dala-dalang suwerte ang dalawang bida ng pelikulang ito, kaya ipagdasal na lang ng mga taga-ALV na malusutan nila ito.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results