JERRY OLEA: Kaya na ba ni Joshua Garcia na tumiwalag sa love team nila ni Julia Barretto?
Waging-wagi sa ratings ang Maalaala Mo Kaya (MMK) episode ni Joshua noong Hunyo 22, Sabado, mapa sa Kantar Media man o AGB Nielsen.
Pinakamataas na rating iyon ng MMK ngayong taon, ayon sa Kantar Media.
Papantay kaya o lalampas doon sakaling si Julia naman ang magbida sa isang MMK episode?
At any rate, bida sa ikaapat na handog ng MMK sa 28th anniversary nito sina Vivoree Esclito at Charles Kieron bilang Idol PH auditionees na sina Jenny Lambit at Janluis Dimayuga na nagpakilig sa Idol Judges.
Ang episode na ito ay idinirek ni John Lapus.
Mapapanood iyan sa Hunyo 29, Sabado ng 8:30 p.m., pagkatapos ng Idol Philippines.
Magtatapos man sa Biyernes ang Kara Mia, mapapanood pa rin ng fans si Barbie Forteza sa Sabado night sa GMA-7.
Tampok si Barbie sa episode ng Magpakailanman tungkol sa isang babae na binulag ng pang-aapi, pero naglakas-loob na imulat ang kaisipan ng lahat para sa respeto na kailangan ng ating mga kasambahay.
NOEL FERRER: Sa mga ganyang special episode 'tulad ng sa Magpakailanman nag-e-excel si Barbie. Kasi, magaling naman siyang umarte.
I hope there’ll be a move to up her premium and make her a film actress na bibilhin at tatangkilikin ng supporters.
Sana, hindi nakukuntento ang fans na panoorin si Barbie nang libre sa telebisyon.
GORGY RULA: Hindi ako masyadong familiar sa MMK story ng magdyowang hopia sa Idol Philippines.
Mas pinag-usapan ang kuwento ng kasambahay na si Bonita Baran. Iyan ang aabangan ko.