Suzi Entrata-Abrera, hindi kasali sa bagong Mars Pa More sa GMA-7

by PEP Troika
Jun 26, 2019
PHOTO/S: Mars GMA News TV / Instagram

NOEL FERRER: Uy, may bago nang Mars Pa More sa GMA-7 with Camille Prats and Iya Villania as main hosts.

At dahil manganganak si Camille, magte-tape siya ng pilot week ng talk show pero hahalili muna sa kanya sa susunod na episodes si Charice Solomon.

OK naman yung ganitong paglipat (sa main network) lalo na para sa ikauunlad ng programa.

Pero nasaan na si Suzi Entrata-Abrera sa lahat ng ito?

Ang sabi, tila hindi raw puwede si Suzi dahil sa co-host siya sa public affairs program na Unang Hirit na may morning timeslot 'tulad ng bagong Mars.

Looking back, naging formidable ang Mars for seven years sa GMA News TV.

Suzi adds a different kind of wisdom in the program. Estudyante ko iyan at galing ng Probe Team.

Forte ni Suzi ang lapatan ng angking info at research ang kanyang hosting—bukod sa natural na pagka-machika niya—kaya naman mataas ang kalibre ng Mars.

Continue reading below ↓

Unless total entertainment at artista talaga ang kailangan nilang mag-host na mala-Momshies trio na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros ng ABS-CBN morning show na Magandang Umaga...

I’m not buying the official timeslot reason dahil marami nang ganyang magkakasunod na shows na hindi ginagawang issue, lalo pa't iba naman ang tema ng dalawang programa.

In fact, Mars Pa More can benefit from Suzi's exposure in Unang Hirit kasi mapa-plug niya ito nang live araw-araw kung kailangan.

And the catch is, 9:00 a.m. pala ang timeslot ng bagong Mars Pa More—na may isang oras na pagitan sa pagtatapos ng Unang Hirit tuwing 8 a.m.

Truth be told, si Iya ang merong cooking show with Drew Arellano na mas malapit pa sa airing ng 9:00 a.m. timeslot ng bagong show.

Oh well, when I asked Suzi about this ay wala na lang siyang nasabi. Pero obviously, malungkot siya.

Continue reading below ↓

Sayang, ito na sana ang resulta ng programang pinaghirapan nilang itaguyod for seven years na basta na lang mawawala na sa kanya.

We don’t seem to be biting the official timeslot reason na ibinigay. Nakakalungkot.

JERRY OLEA: "Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing, saka nang maluto’y iba ang kumain."

Sadyang nakakalungkot para kay Suzi ang nangyari.

Pero malay mo, malay niya, Malaysia... blessing-in-disguise pala ito?!

GORGY RULA: Bukas ay haharap sila sa media para sa paglipat nila ng GMA-7 mula sa GMA News TV.

Pero Mars Pa More na ang title at maiiba ang format.

Halos kapareho lang daw ito sa format ng Unang Hirit na susundan nitong programa.

Cooking show naman kasi iyong Home Foodie ni Iya Villania at medyo iba sa format ng bagong Mars.

NOEL FERRER: Una, bakit ka gagawa ng programa na pareho ng format na isang oras lang ang pagitan?

Ikalawa, ensemble ang Unang Hirit.

Continue reading below ↓

Sana, ito nang Mars ang showcase ni Suzi para makilala bilang seasoned host at mom.

Ikatlo, sabi nga, 'Kung gusto, may paraan; kung ayaw, may dahilan.'

Nasasayangan at nalulungkot lang ako sa loyalty at hard work na ginugol ni Suzi sa programa.

Sana, may ibang magandang kapalit ito para sa kanya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Mars GMA News TV / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results