Joel Cruz, planong dagdagan pa ang kanyang mga anak

by PEP Troika
Jun 27, 2019
PHOTO/S: Courtesy of Joel Cruz

GORGY RULA: Magarbo ang first birthday celebration ng pampitong anak ni Joel Cruz na si Ziad Cruz noong Hunyo 23, Linggo, sa Manila Ocean Park.

Ang pampito at pangwalong anak ni Joel ay parehong walang kakambal.

Meron siyang tatlong pares na kambal, kaya walo lahat ang mga anak niya na dumaan sa surrogacy na iniluwal sa Russia.

Nang nakatsikahan namin si Joel sa radio program namin sa DZRH bago ang birthday celebration, nabanggit niyang meron pa siyang naka-freeze na embryo at puwede pa itong ipabuntis sa isang surrogate mother.

Kuwento niya, “Marami pa akong fertilized embryo na nasa Russia. Mga anim pa yun, baka marami pa akong mabuo roon.

“Ang ibig sabihin, yung sa egg cell sa mother nila na si Lilia at sa aking sperm cell na pinagsama sa fertilized embryo.

"Naka-freeze din yun, puwede mong kunin yun at i-inject sa surrogate mother."

Pinag-iisipan kasi ni Joel na magdagdag sana ng isang girl dahil dalawa lang ang babae sa walo niyang anak.

Continue reading below ↓

Meron din kasing proseso na puwede kang mamili kung ano ang gusto mong kasarian ng iyong magiging anak.

“The last time when I was in Russia, nagpaplano sana kami, dagdagan na magkaroon ng sex selection, babae.

“Although it’s not 100 percent accurate, it could be 98 percent accurate lang, pero sabi nila kasi, alam mo, yung maliit na fertilized embryo, kukuha ng chromozomes dun, alam mo yung XX/XY para maging male or female parang… baka ma-damage pa yung embryo.

“So, sabi doon sa Russia, huwag na raw gawin yun, kasi kawawa rin yung embryo.

“So, sabi kung ano na yung ibigay ng Panginoon, yun na. Tama nga naman.

“Siguro, kung natuloy ang sex selection, baka magdagdag pa ako. Kaya hindi ko na muna itutuloy.

"Hindi na nila ini-encourage yun kaya stop na lang muna,” pahayag ni Joel.

Sa ngayon ay happy siya sa walo niyang anak na naaalagaan naman niya nang husto. Hindi nga lang niya maalagaan nang personal nang 24 hours dahil sa dami ng ginagawa niya.

Continue reading below ↓

Kaya tuwing hapon ay dinadala raw lahat ng mga anak niya sa kanyang office at inilalaan niya sa mga bata ang kanyang Sabado at Linggo.

“Hindi lang naman ako ang nagpapalaki sa mga anak ko, nandiyan ang mga magulang ko, mga kapatid ko, mga in-laws ko na talagang tuwang-tuwa sila.

“Saka pumipili kami ng mga mahuhusay na mga nannies na mag-aalaga. Meron din akong mga nurses na nag-aalaga,” saad ng tinaguriang Lord of Scents.

Sa walong anak ni Joel, 11 ang mga nanny na nag-aalaga sa kanila at may dalawa pang nurses!

JERRY OLEA: Huwag tayong maging mapanghusga kay Joel bilang magulang sa walong anak.

Panahon lang ang makapagsasabi kung tumpak ang kanyang pasya na magkaroon ng ganyan karaming supling.

NOEL FERRER: Blessing ang pagkakaroon ng mga anak.

At malaking responsibilidad ang pagpapalaki nito nang tutok talaga at hindi lang sa materyal na pangangailangan kundi sa kalinga ng tunay na magulang.

Continue reading below ↓

Dasal magampanan ito ni Joel nang maigi, with all his other commitments.

All the best!

Read Next
Read More Stories About
Joel Cruz
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of Joel Cruz
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results