Alden Richards at Maine Mendoza, nakahanap ng bagong katambal sa bakuran ng ABS-CBN

by PEP Troika
Jun 27, 2019
PHOTO/S: @mainedcm / @aldenrichards02 Instagram

JERRY OLEA: Sa Hulyo 16, Martes, ang ikaapat na anibersaryo ng AlDub.

Ngayong Hunyo 27, Huwebes, ika-206 weeksary ng tambalan nina Alden at Yaya Dub... inihayag ng Black Sheep ang tambalang CarMaine.

Magbibida sina Carlo Aquino at Maine Mendoza sa pelikulang Isa Pa With Feelings, na ididirek ni Prime Cruz para sa Black Sheep (isa sa film outfits ng ABS-CBN).

Samantala, raratsada na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa promo ng ABS-CBN Star Cinema movie nilang Hello, Love, Goodbye.

Maghe-hello ang KathDen sa Grand Fanmeet & Movie Merch Launch sa Hunyo 29, Sabado, 6:00 p.m. sa South Park Alabang.

Ka-join din sa event na ito sina Maymay Entrata, Kakai Bautista, at Joross Gamboa.

NOEL FERRER: Maganda at nakakataas ng premium ang paggawa ng Kapuso stars ng mga pelikula sa established na film arms ng ABS-CBN.

Walang duda, the KathDen tandem will be such a huge hit!

Continue reading below ↓

Paano maiiba ang CarMaine movie? Aabangan ang aktingan nila dahil nauna nang kinilalang mahuhusay at very sensitive actors sina Carlo at Maine ng award-giving bodies.

Sana, with their premiums up individually, makaisip ang GMA-7 ng reunion project para sa AlDub na pakikitain nila nang husto at patatatagin pa ang kanilang mga bagong baong galing sa pag-arte!

Good luck at good vibes lang sa lahat!

GORGY RULA: Sa pagkuha nila kay Maine Mendoza, parang kulang sa impact kung ikumpara kay Alden.

Baka mali ako, pero ang dating kasi sa akin, kapag produced ng Black Sheep, hindi kasinlaki ng ginagawa ng Star Cinema.

Sana maganda at magmukhang malaki itong gagawin nina Carlo at Maine.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @mainedcm / @aldenrichards02 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results