Solenn Heussaff, walang kiyeme sa hubaran sa horror film nila ni Benjamin Alves

by PEP Troika
Jun 28, 2019

JERRY OLEA: Magwo-world premiere ang horror movie na Misterio de la Noche sa Cheval Noir Competition ng 2019 Fantasia International Film Festival.

Ang Fantasia ang pinakamalaking genre filmfest sa North America, at gaganapin ito sa Hunyo 11 hanggang Agosto 1 sa Montreal, Canada.

Dadalo rito ang mga bidang sina Solenn Heussaff at Benjamin Alves, kasama ang direktor na si Adolf Alix Jr. at producers na sina Jonas Gaffud, RS Francisco, at Sam Versoza.

Ang Misterio de la Noche ay base sa dula ni Rody Vera na Ang Unang Aswang.

Ang setting nito ay noong panahong sakop pa ng mga Kastila ang Pilipinas.

Napaka-challenging ng papel dito ni Solenn, at wala itong kiyeme sa mga eksenang hubaran.

Continue reading below ↓

Kasama sa cast ng Misterio de la Noche (sa Tagalog, “Misteryo ng Gabi”) sina Elizabeth Oropesa, Allan Paule, Rosanna Roces, Menggie Cobarrubias, Mercedes Cabral, Radha, Neil Perez, Angeline Sanoy, at Gina Alajar na nagdiriwang ng kaarawan ngayong araw, June 28.

Post ni Direk Adolf sa Facebook ngayong Hunyo 28, Biyernes patungkol kay Gina Alajar:

“She once again challenged herself with her role in this film. Always a pleasure to work with you!”

NOEL FERRER: Napanood na iyan last year ng MMFF Committee.

Sa wakas, mapapanood na iyan sa mundo at sa Pilipinas din. Tamang timing lang!

GORGY RULA: Dito lang kaya naka-focus si Direk Adolf?

Kumusta kaya ang Kiko en Lala niya sa Backyard Films?

Isinumite yata nila sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang launching film ni Super Tekla, na nagtatampok din kina Derrick Monasterio, Kim Domingo, Clint Bondad, Ai Ai de las Alas, Kiray, Tetay, at Jo Berry.

Makakapasok kaya ito?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Marami pang ibang pelikula si Direk Adolf.

Andiyan ang Circa na ide-dedicate kay Eddie Garcia.

Si Anita Linda ang bida sa Circa, at maliban kay Eddie Garcia ay nasa cast din nito sina Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, Gina Alajar, Ricky Davao, Laurice Guillen, Enchong Dee, Kim Last, Mailes Kanapi, at Adrian Pascual.

Continue reading below ↓

Inaabangan din natin ang obra ni Direk Adolf na My Stepmother’s Lover kung saan mapusok, mapangahas, at mapanukso sina Sunshine Cruz, Kiko Estrada, Martin del Rosario, at Pinky Amador.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results