Jolo Revilla at Angelica Alita, umiwas matanong tungkol sa kanilang kasal

by PEP Troika
Jun 27, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Tawa nang tawa si Jolo Revilla sa mga nangulit sa kanya ng interbyu sa victory party ni Senador Bong Revilla nitong Hunyo 26, Miyerkules ng gabi, sa Frabelle Corporate Plaza, Makati City.

“Ibalato niyo na lang sa akin! Huwag na!” paglalambing ni Jolo.

Alam kasi ni Jolo na uuriratin siya sa bali-balitang pakakasal na sila ni Angelica Alita sa Disyembre 2019.

Ang tanging napiga kay Jolo kaugnay sa kasintahan, natitiyak niyang ito na, “She’s the one.”

Si Angelica naman ang pinakiusapan kung puwedeng mainterbyu.

Magkahawak-kamay sila ng nobyong si Jolo, at ang tanging nasabi nito habang nakangiti nang pagkatamis-tamis, “He’s the one.”

Jolo Revilla's fiancée Angelica Alita gets interviewed | PEP Uncut

Yaman din lang at matipid ang pananalita ng magkasintahan that night, si Senador Bong na lang ang inusisa namin tungkol sa relasyon nina Jolo at Angelica.

“Basta ang importante, masaya siya. Kung saan siya masaya, si Jolo...” masayang sambit ni Senador Bong.

Continue reading below ↓

Ka-close na ba nila si Angelica?

“Oo naman. OK. Mabait. Mabait si Angel! Mabait!”

NOEL FERRER: It’s about time that Jolo settles down and start a good happy family, which will be his inspiration in serving his constituents sa Cavite.

In the end, hindi sapat na sabihing “s/he’s the one.”

Mas powerful pa kapag sinabing, “I’m the final one for him/her na!”

GORGY RULA: Takot magpa-interview si Angelica kaya sinasabayan na lang siya ni Jolo.

Kung "She's the one” ang sabi ni Jolo kay Angelica, "answered prayers" naman daw si Jolo para kay Angelica.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results