KontrAdiksyon at Because I Love You, kumusta ang first-day gross?

by PEP Troika
Jun 28, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Kapuso Girl Instagram

NOEL FERRER: Nakakalungkot ang sinapit ng dalawang Pinoy movies na nagbukas sa mga sinehan noong Hunyo 26, Miyerkules.

Ang KontrAdiksyon nina Jake Cuenca at Kris Bernal ay naka-P300K+ lamang na first-day gross.

Ang Because I Love You nina David Licauco at Shaira Diaz ay naka-P100K+ lamang, gayong sa 120 sinehan ito nag-open ayon sa producer na si Arnold L. Vegafria.

Ayon sa theater operators, maraming ZERO gross ang box-office take ng Because I Love You.

Despite the lowered admission rate ng pelikula since Wednesday (P220 sa Metro Manila/P180 sa probinsiya) ay wala pa rin halos nanood nito.

Sabi ng mga theater chains, bumaba pa lalo ang kita nito noong second day (Hunyo 27, Huwebes) kaya marami nang theaters ang nalagas dito simula ngayon.

Ang Annabelle Comes Home ay naka-P7M naman nang mag-open noong Wednesday.

JERRY OLEA: Mahaba ang paliwanag ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra ngayong Hunyo 28, Biyernes, sa Facebook kung bakit ang Friday opening ay makakatulong sa Pinoy movies.

Continue reading below ↓

Bahagi ng FB post niya: “With a FRIDAY OPENING DAY, we can have a better gauge of each new film's performance because the films are sure to get the weekend moviegoing crowd.

“And as a moviegoer, you have more choices in the lineup of movies screening in your favorite cinemas.

“According to studies, our decisions on what movies to watch are influenced by the choices available when we get to the theaters.

“With a Friday opening, there is more variety, more diverse options kasi hindi pa nilalaglag ang mga pelikulang mahihina sa takilya."

Iyong malalaking pelikula ay nakikinabang sa Wednesday opening.

Dagdag ni Chair Liza, “A Friday opening can help ALL films, even those outside the big Hollywood studios to stand a better chance of staying on the entire weekend.

“Bilang audience, this switching of days may not seem like a big thing. Pero para sa mga local producers nating tumataya ng malaki para gumawa ng pelikula, malaking boost ito sa kanilang morale.

Continue reading below ↓

“With the current status quo, takot mag-invest ang mga producers ng malaking pera sa mga pelikulang ginagawa nila dahil walang kasiguraduhang mapapanood ang pelikula sa sinehan.

“Kahit na malaki pa ang budget na ilaan sa pelikula, puwedeng matanggal sa mga sinehan after one day, killing any chance to recoup the investment...

“It is imperative for the industry to create an environment that would allow them to take more significant risks...

"Friday opening may not be the absolute solution to address the industry's problems, but it is a start.

“We hope that our stakeholders never tire of sitting down with us so we can work together towards more solutions.

“At the end of the day, we have but one common goal: to support, nurture and uplift our LOCAL FILM INDUSTRY.”

GORGY RULA: Minsan, hindi sobrang sakit sa producers kapag sumemplang sa takilya ang pelikula nila dahil kaya pa nilang kumita sa ilang platforms.

Continue reading below ↓

May TV rights, video rights, digital, at pati sa ibang airlines, binibili para puwedeng panoorin sa eroplano.

Pero dapat kilala ang mga artista para madaling ibenta.

Ang KontrAdiksyon ay puwede pa siguro nilang mapagkakitaan dahil may Jake Cuenca at Kris Bernal.

Naaayon pa sa kampanya ng pangulo ang tema ng pelikula na puwedeng iikot sa mga paaralan.

Pero itong Because I Love You, paano kaya nila ito ibebenta, e, hindi gaanong kakilala ang mga bida?

Unless isasama nila ito sa package ng Regal Films na nag-distribute ng naturang pelikula.

Kung may bibili nito, baka kayang bawiin ng ALV ang ipinuhunan sa pelikulang ito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Kapuso Girl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results