Derek Ramsay at Andrea Torres, itataya ang puso at katawan sa The Better Woman

by PEP Troika
Jun 29, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Itataya nina Derek Ramsay at Andrea Torres ang kanilang puso at katawan, literally and figuratively, sa primetime teleseryeng The Better Woman umpisa Hulyo 1, Lunes, sa GMA Telebabad.

Sabi-sabi, ito ang hottest primetime teleserye. Gabi-gabing magpapainit sa tag-ulan, 'ika nga.

Gaano ba kainit ang palabas na iyan? Pag-initan kaya iyan ng MTRCB?

“Tastefully done naman po yung pagkakagawa, if I may say,” sabi ni Direk Mark Sicat de la Cruz sa mediacon nitong Hunyo 27, Huwebes, sa Prime Hotel, QC.

“Of course, ano rin ako, responsible din sa mga pamangkin ko.

"Kasi, ang mga pamangkin ko, pinapanood lahat ang mga gawa ko.

“Ang age nila — 12, 10 and 8. So, lahat po, pinapanood nila. From Dear Uge, Magpakailanman, Asawa Ko, Karibal Ko, and TOTGA.

“Sila mismo yung nagti-text sa akin, ‘Tito, ang ganda ng ano mo...’

“So, siyempre noong ibinigay sa akin ito, inisip ko rin yung mga pamangkin ko.

Continue reading below ↓

“Na sana, mapanood nila and... ahhmm... hindi naman din po siya ganoon kabarubal, na parang B-films ang pagkakagawa nitong show namin.

“So, I guess, kaya siyang mapanood sa TV.

Direk Mark Sicat dela Cruz

So far, ano ang pinakaseksing eksena nina Andrea at Derek sa The Better Woman?

Continue reading below ↓

“Natanggal iyong bra... sa ilalim ng dagat,” napangiting sambit ni Direk Mark.

“Habang nagse-surfing. Actually, swimsuit rather... hindi bra.

“Pero sinadya niyang tanggalin. Kasabay nung alon. Parang inano niya, ahh... pinlanta niya.

“'Tapos, noong umalon... para magyakap silang dalawa.”

NOEL FERRER: Sina Derek Ramsay at Andrea Torres na ba?

For sure, makakatulong sa project kung OK ang chemistry nila.

Pero makakatulong ba ito sa pagkatao nila? Abangan!

GORGY RULA: Sabi ni Derek Ramsay, hindi imposibleng magkagusto siya kay Andrea dahil maganda at napaka-sexy nito.

Kahit halos lahat ng ex-girlfriends niya ay mestisa, naa-attract siya sa mga morena o dusky gaya ni Andrea.

"She' very pretty. She's somebody that I can date. If she's single and I'm single... We'll see," sabi ni Derek.

Pero ayaw niyang gamitin yun para lang ma-promote ang kanilang drama series.

OK raw katrabaho si Andrea at kahit marami silang love scenes na gjnawa, hanggang doon lang daw iyon.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results