Little Miss Philippines, magbabalik sa Eat Bulaga

by PEP Troika
Jul 1, 2019
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook

GORGY RULA: Ngayong pagpasok ng Hulyo ay sinimulan na ng Eat Bulaga! ang pagdiriwang ng kanilang 40th anniversary.

Ang Little Miss Philippines winners na sina Ryzza Mae Dizon at Ice Seguerra ang nag-perform sa opening number.

Sumayaw si Ryzza Mae at kinanta ni Ice ang "Rainbow Connection."

Sabi ni Ryzza Mae, hanggang ngayon ay malaki pa rin ang nagagawa at nababago ng Eat Bulaga! sa kanyang buhay.

Sabi naman ni Ice, sana raw, paglaki niya ay puwede na siyang sumali sa Mr. Pogi.

Naglaro sa game nilang "Boom" ang mga sumali noon sa Little Miss Philippines na sina Maybeline dela Cruz, Joanne Miller, at Kathleen Go-Queing.

Doon na rin in-announce ni Vic Sotto na bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang anibersaryo, ibabalik nila ang Little Miss Philippines.

Magsisimula na raw bukas, July 2, ang audition para sa mga batang babaeng edad pitong taon pababa.

Pinaghahandaan na ng Eat Bulaga! ang malaking selebrasyon ng kanilang 40th anniversary bandang end of this month.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nakakatuwa lang na kahit ang mga dating naging part ng Eat Bulaga! na ngayo’y Kapamilya na, tulad nina Toni Gonzaga at Iza Calzado, at kahit si Isabelle Daza, ay may pag-aabala sa gagawing pagdidiwang ng 40th anniversary ng programang kanilang pinanggalingan.

‘Yan ang tunay na pagtanaw ng utang na loob na pinahahalagahan natin, kasabay ng pagpapasalamat sa tuwa’t ligayang hatid sa atin ng nag-iisang Eat Bulaga!

Love you, Mr. T and Team Bulaga!

JERRY OLEA: Mula Aparri hanggang Jolo, apat na dekada nang nagbibigay ligaya sa sambayanang Pilipino ang dabarkads ng Eat Bulaga.

Nakailang palit na tayo ng Presidente. Andami nang hosts ang umalis at dumating sa noontime show, pero patuloy ito sa paghahatid ng isang libo’t isang tuwa.

Abangan natin ang mga pasiklab at payanig sa pagdiriwang nila ng ika-40 taon.

Tingnan natin kung applicable sa kanila ang kasabihang, “Life begins at 40.”

Mabuhay!

GORGY RULA: Bumalik na si Pauleen Luna sa Eat Bulaga! pagkatapos siyang hindi napapanood ng mahigit isang buwan.

Continue reading below ↓

Ilang linggo rin kasing nasa hospital si Pauleen dahil sa severe pneumonia.

Natakot din daw si Pauleen noong nasa hospital siya dahil delikado ang sakit na pneumonia.

Sobrang nagdusa raw siya noong nasa hospital siya dahil hindi rin niya nakikita ang anak niyang si Talitha.

Kaya pagkalabas niya ng hospital two weeks ago, nagpahinga muna siya at nag-decide na July 1 na siya babalik ng Eat Bulaga! para makabawi muna siya ng bonding kay Baby Tali.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Eat Bulaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results