KathDen movie at Family History, isasalba ang Pinoy films sa box office?

by PEP Troika
Jul 2, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Screengrab from Hello, Love, Goodbye trailer

JERRY OLEA: Walang pelikulang Pinoy na nangahas tumapat sa Spider-Man: Far From Home na mag-o-open this week sa mga sinehan ng bansa.
Ito ang ika-23 pelikula sa Marvel Cinematic Universe (MCU), at ipinagluluksa pa rito ni Peter Parker/Spider-Man (Tom Holland) ang pagpanaw ni Tony Stark/Iron Man (Robert Downey Jr.) sa Avengers: Endgame.
Pasiklab dito si Quentin Beck/Mysterio (Jake Gyllenhaal) na eksperto sa Elementals, at nagke-claim na galing sa Earth-833 ng Multiverse.
Sabi ng direktor na si Jon Watts sa Entertainment Weekly, “If Tony Stark was sort of the mentor in the previous films, we thought it would be interesting to play Mysterio as almost like the cool uncle.”
Dalawa pang pelikulang banyaga ang magpapayanig sa takilya ngayong Hulyo—ang live action na The Lion King at ang maaksyong Fast & Furious: Hobbs & Shaw.
Dalawang pelikulang Pinoy ang inaabangan natin ngayong buwan.
Una, ang drama film na Family History, tampok ang BiDawn (Bitoy + Dawn Zulueta) at BiGuel (Bianca Umali + Miguel Tanfelix), na showing sa Hulyo 24.
At pangalawa, ang rom-com na Hello, Love, Goodbye ng KathDen (Kathryn Bernardo + Alden Richards), na showing sa Hulyo 31.
Ang trailer ng Hello, Love, Goodbye ay inilunsad nitong Hulyo 1, Lunes ng gabi, sa commercial gap ng ABS-CBN prime-time series na FPJ’s Ang Probinsyano.
Makalipas ang 14 oras ay naka-3 million views na ang trailer sa social media— 1.1 million sa Facebook, 1.1 million sa Twitter, at 835,000 sa YouTube.
NOEL FERRER: Good luck sa takilya this season!
Hinihintay ko na lang ang pagbabago sa performance sa takilya kapag nagkaroon na ng pagbabago sa opening playdates.
Kawawa ang pelikulang Pilipino. Sana, not for long.
GORGY RULA: Hindi pa rin talaga tayo nagsasawa sa ganoong klaseng pelikula.
Kaya ang mga producer at direktor natin ay todo-effort din na pagandahin ang pelikula nila lalo na kung fantasy-action ito.
Kahit naririnig na nating may napili na raw na gaganap na Darna, hindi pa rin inilalabas dahil masusi nilang pinag-aaralan kung ano ang puwedeng gawin para mapaganda itong Darna na ibang-iba sa mga nakaraang Darna movies, at puwedeng pumantay sa kalidad ng mga foreign films gaya nitong Spider-Man.
Sana, kung paano pagkaguluhan at pilahan itong Spider-Man, ganoon din sana ang pagtanggap nila sa Darna kung matutuloy na ito.
Ang isa pang curious ako ay itong obra ni Michael V na Family History.
Sinabi niyang drama ito, pero parang iba talaga ang atake rito ni Direk Bitoy bilang magaling naman talaga siya.
Paano niya naipasok dito ang pagpapatawa dahil iyon ang expertise niya?
Teka nga pala! Ang sabi ni Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño, after July 10 ay gagawin nang Biyernes ang opening day ng mga pelikula natin.
Pero matagal na yatang naka-book na Wednesday itong mga nabanggit na pelikula.
Kaya hindi pa rin pala nasusunod ang Friday opening, ano?
So, ano ang unang pelikulang Pinoy na magsu-showing na ng Biyernes?
Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Screengrab from Hello, Love, Goodbye trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results