Resulta ng internal investigation ng GMA-7, tanggapin kaya ng pamilya ni Eddie Garcia?

by PEP Troika
Jul 3, 2019
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for YES!

GORGY RULA: Bago matapos ang linggong ito ay ilalabas na ng GMA-7 ang resulta ng imbestigasyon sa nangyari kay Eddie Garcia noong Hunyo 8 sa taping ng Rosang Agimat.

Ayon sa mga napagtanungan ng PEP Troika, natapos na ang internal investigation, at nakahanda na silang ilabas ang resulta at ang statement kaugnay sa pangyayaring ito.

Pero kailangan pa muna nilang ipabasa iyon sa pamilya ni Manoy Eddie bago nila ito ilabas.

After all, ang pamilya ng nasirang aktor ang una at may karapatang makaalam nito.

Kaya pagkatapos nilang basahin, abangan na lang nating ilabas na nila ito sa publiko.

NOEL FERRER: Naghihintay tayo ng sagot, paglilinaw, at resulta ng imbestigasyon.

Dahil pumanaw marahil si Tito Eddie nang may saysay—at heto nga yun—ang mapahalagahan pa ang kapakanan ng mga trabahador, hindi lang sa TV at pelikula, kundi lahat na.

At ang Rosang Agimat, mukhang moved na, pero sa anong opisyal na kadahilanan, maganda ring malaman.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Ilang araw na lang at mag-iisang buwan na ang nangyari kay Manoy sa taping ng Rosang Agimat.

Nawa’y maging malinaw at katanggap-tanggap sa pamilya ni Manoy, maging sa mga sumusuporta o nagmamahal sa namayapang aktor, ang resulta ng internal investigation.

Ito sana ang hudyat ng closure sa usapin, at hindi sana ito magbunsod ng marami pang tanong.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for YES!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results