Bianca Umali, sobrang na-starstruck kay Dawn Zulueta

by PEP Troika
Jul 3, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Sa mediacon ng StarStruck Season 7 noong Hunyo 10 sa GMA Annex Bldg., Q.C., sinabi ng online host na si Kyline Alcantara na na-starstruck siya sa huradong si Cherie Gil.

Natulala si Kyline nang iinterbyuhin niya si Cherie para sa Inside StarStruck na bahagi ng YouTube channel ng programa.

Sa mediacon ng pelikulang Family History nitong Hulyo 2, Martes, sa Novotel Hotel, Araneta Center, Q.C., nagpahayag naman si Bianca Umali na na-starstruck siya sa co-star na si Dawn Zulueta.

Sabi ni Bianca, “Hinding-hindi ko po makakalimutan, we’re going to have the script reading po, for the movie.

“Ahhmm, pagkapasok na pagkapasok niya po sa room, pagkakita ko po sa kanya, sobrang na-starstruck ako. Super!

“And then, I know that she noticed. I know that it was embarrassing.

"But I couldn’t stop staring at her because she was so... beautiful!"

Pangiti-ngiti lang si Dawn na katabi ni Bianca ng mga sandaling iyon.

Continue reading below ↓

Dagdag ng young actress habang nagtitinginan sila ni Dawn, “And favorite po kasi kayo ng lola ko!”

Masayang-masaya ang lola ni Bianca na nakatrabaho ng young actress si Dawn.

Inaasam ni Bianca na makita ng kanyang lola si Dawn one of these days.

GORGY RULA: Hindi nakapagtatakang hangaan nang ganoon si Dawn.

Hanggang ngayon, napanatili niya ang kalidad ng isang aktres na dapat tularan ng mga kabataang artista gaya ni Bianca Umali.

Sa totoo lang, napaka-promising ni Bianca. Lalo siyang gumaganda at gumagaling sa Sahaya.

Dapat talagang gabayan at bantayan mabuti si Bianca para hindi madiskaril ang career.

NOEL FERRER: Of the young Kapuso stars, I have always maintained that Bianca Umali is the best of her batch.

Her performance in choice projects like Sahaya and Alaala (martial law docu-drama) with Alden Richards are truly excellent.

Tama ka, Tito Gorgy, dapat magabayan si Bianca para lalo pang mapalaki at mapaunlad!

Continue reading below ↓

Hindi yung natsitsismis siyang nag-o-audition sa kabilang bakod.

She deserves better, really!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results