Nora Aunor at Vilma Santos, kilala pa kaya ng Generation Z?

by PEP Troika
Jul 4, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Mark Atienza

GORGY RULA: Bahagya akong nalungkot sa kuwento ng isang production staff ng isang TV network na nakatsikahan ng PEP Troika kamakailan tungkol sa grupo ng mga batang artista na bago pa lang sa showbiz.

Nasa workshop sila kung saan ipinakita ang film clips ng ilang classic films tampok ang mga kilala at dekalibreng artista na active pa rin hanggang ngayon.

Binanggit ang pangalan ni Vilma Santos na bida sa pelikulang ipinakita sa workshop na yun.

Tinanong sila kung kilala ba nila si Vilma Santos, kaagad sumagot ang mga batang artista na kilala raw nila.

Pero nang binanggit na si Ate Vi, hindi nila alam na yun pala ang palayaw ng Star for All Seasons.

Hindi nila alam na si Cong. Vi ang may-ari ng bansag na yun.

Nang binanggit si Nora Aunor, alam nilang siya ang Superstar.

May isang bagets pa ngang buong-giting na sinabing si Nora ang tinaguriang Superstar ng Philippine Showbiz.

Continue reading below ↓

Pero nang tinanong ang ibang grupo ng mga batang artistang ito kung kilala nila si Ate Guy, mabilis na sumagot ang isa na kilala raw niya.

Sa katunayan, nasalubong pa raw niya kani-kanina lang.

Nagtaka ang facilitator ng workshop kung sinong Ate Guy ang tinutukoy nito.

Ang make-up artist pala nila na kinagigiliwang tawaging Ate Guy ang tinutukoy ng workshopper.

Hindi na nila naikonek si Ate Guy kay Nora Aunor.

Ganoon na raw talaga ang mga nasa Generation Z.

Hindi na nila kilala ang mga beteranong artista na kinilala at iginagalang pa rin hanggang ngayon.

Karamihan naman kasi sa mga beteranong artista na kilala at magagaling ay sumusuporta na lang sa mga sikat na young stars.

Kaya siguro bilang ipagdiriwang natin ang Centennial of Philippine Movies, sana ay may venue tayo na napi-feature ang mga magagandang pelikula ng mga beteranong artista na namayagpag noong kapanahunan nila.

Di ba, naalala pa ninyong hindi nga nakilala ni Loisa Andalio si Alma Moreno na ganoong image sana ang susundan niya?

Continue reading below ↓

Naalala ko rin noon na nagulat si Nanette Medved at wala siyang kamalay-malay na nanay pala ni Ian de Leon si Nora Aunor.

NOEL FERRER: It’s their LOSS... or LOST nga silang matatawag kapag hindi nila maintindihan ang entertainment industry na gusto nilang pasukin.

Kung desidido sila to make a mark in this industry, kailangan nilang malaman at makilala ang mga personalidad na bumubuo nito.

Magbasa, makisalamuha, at immerse sa mundong ito. Maraming matututunan, kung gugustuhin.

JERRY OLEA: At least, kahit paano, aware pa rin ang mga baguhang artista kina Ate Guy at Ate Vi.

Knows pa rin kaya nila sina Pip at Bobot?

Ganoon talaga. Sabi nga sa kanta ni Florante, “Tatanda at lilipas din ako...”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results