Titulo ng Michael V movie na Family History, hindi kinuwestiyon ng Kapuso network?

by PEP Troika
Jul 4, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Ambait ng mga bossing sa Kapuso Network!

Biruin mo, matapos magpahinga ng ilang taon ang GMA Films at magbagong-bihis bilang GMA Pictures, ang unang handog nito sa pagbabalik ay pampamilya ang dating!

Family History ang title ng movie ni Michael V na magso-showing sa Hulyo 24, kung saan co-producer ang GMA Pictures.

Sa promo thrust ng movie ay nai-stress siyempre ang importansya ng pamilya.

Kapag sinabing pamilya, konek na agad iyan sa Kapamilya Network!

Sa mediacon ng movie noong Hulyo 2, Martes, sa Novotel Hotel, Quezon City ay natawa si Michael V nang uriratin ko kung nagkaroon ba ng questions sa title na Family History.

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Nasa inyo ‘yan kung gusto niyong kuwestyunin! Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Bitoy.

“Hindi naman siya Ka-Family History! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

NOEL FERRER: In the next few days, mag-a-unfold kung gaano kaimportante ang FAMILY kay Bitoy.

Continue reading below ↓

Siyempre naman, kasama at katuwang niya ang wifey niyang si Carol sa kanilang joint venture na ito.

GORGY RULA: Ipinaglaban nang husto ni Michael V ang title na Family History, kahit may ilang nagkukuwestiyon.

Bukod sa siya ang bida, siya ang nagsulat, nagdirek, at producer ng pelikula kaya ideya niya ito lahat.

May kumpiyansa si Direk Bitoy na magugustuhan ng audience niya ang lahat na ideya sa title pati sa trailer.

Sabi niya, “I’d like to believe na nakilala ko na yung audience ko.

"May captured market na, kumbaga. Na alam ko na ang manonood.

“Nakikita naman sa social media. Meron ka na bang parang basehan kung magiging successful for your audience.

“Doon sa mga tao na hindi ko talaga audience, hopefully, sila pa yung ma-capture natin, maidagdag natin.”

Kaya tingin ko diyan, maganda ang kalalabasan ng pelikula na sinasabi niyang "Tatak Michael V" ang mapapanood.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results