Sahaya ng BiGuel, kaya bang pataubin ang Probinsyano ni Coco Martin?

by PEP Troika
Jul 5, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Bilang kapalit ng Kara Mia, itinapat ng GMA-7 ang Sahaya sa FPJ’s Ang Probinsyano simula noong Hulyo 1, Lunes.

Sa mediacon ng pelikulang Family History noong Hulyo 2, Martes, sa Novotel Hotel, Quezon City, inusisa ko si Bianca Umali kung ano ang feeling niya sa bagong timeslot ng pinagbibidahan niyang teleserye.

“Ano bang feeling ko? Actually, hindi ko po alam kung ano ang mararamdaman ko because... ahhmm... some are, I don’t know, afraid of the timeslot,” matamang pahayag ng young actress.

“And some are parang wala namang... pero for me kasi, ever since naman po we started the show, nothing else ever really mattered to us...

“We weren’t really basing our show on the ratings, on what time we’re going to show, pero... ahh, doon lang ho talaga kami naka-focus, sa story namin. Sa amin!”

Nakaramdam ba siya ng kaba o pressure ngayong katapat na nila ang long-running teleserye ni Coco Martin?

Continue reading below ↓

“Ahhm, dahil po sa timeslot? Ahhm, hindi lang po siguro dahil doon ako nakaramdam ng kaba at takot,” mabining pag-amin ni Bianca.

“Ever since naman, actually sa lahat naman ng project na sinisimulan ko, may ganun. And hindi po maaalis yun.

“But I never really pay attention to that.”

Hanggang kailan pa kaya ang Sahaya? Gaano pa katagal tatakbo ang istorya nito?

Matamis ang pagngiti ni Bianca, “Iyan po ang hindi namin masabi, pero we’re sure na mahaba pa.

“Mahaba pa po ang tatakbuhin ng Sahaya!”

NOEL FERRER: Excited akong ma-interview sa aking TeleRadyo program ang mahusay na batang aktres ng GMA-7 na si Bianca Umali.

Mukhang magaganap iyan at inaayos namin ngayong Sabado!

JERRY OLEA: Nainterbyu ko rin sandali sa mediacon ng Family History last Tuesday si Miguel Tanfelix, ang leading man ni Bianca Umali sa Sahaya.

Kaugnay sa pakikipagsalpukan ng Sahaya sa FPJ’s Ang Probinsyano, ang reaksiyon ni Miguel, “It’s a big pressure for us, pero mas motivated kami to do good scenes.”

Continue reading below ↓

Nakaramdam siya ng kaba?

“Yes, of course, meron po talaga nun,” mabilis na tugon ng young actor.

“Pero gagamitin namin yung motivation.”

At least, sila ang pinagkatiwalaang lumaban sa teleserye ni Coco Martin.

OK ba sa kanya na napaaga ang Sahaya, o mas gusto niya ang dati nilang timeslot?

“Sa akin, kahit ano naman po. Kahit ano naman, basta, kahit ano pong katapat namin, ginagawa namin yung best namin.”

Mga gaano katagal pa kaya ang Sahaya?

“Mga two years pa po siguro!” napangiting sagot ni Miguel.

GORGY RULA: Maganda ang feedback sa Sahaya, at lagi nitong natatalo noon ang The General’s Daughter.

Kaya extended siya, na sana mahaba-haba ang extension dahil ang FPJ’s Ang Probinsyano na ang katapat.

Sayang ang Kara Mia dahil maganda na sana noon ang takbo ng ratings dahil pataas nang pataas na.

Noong final episode ng Kara Mia, wala pang 1% ang lamang ng FPJ’s Ang Probinsyano sa serye nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Continue reading below ↓

Noong ending ng Kara Mia last June 27, naka-12.8% ito, ayon sa AGB Neilsen, at 13.5% ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Marami na kasi ang nagkagusto sa takbo ng kuwento nito, pero tinapos na agad bago pa ito umalagwa lalo sa ratings.

Sana itong Sahaya, pagtiyagaan muna at pagandahin lalo ang kuwento.

Malay natin, baka ito na ang magpapataob sa teleserye ni Coco Martin.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results