Derek Ramsay, no regrets sa breakup with non-showbiz girlfriend?

by PEP Troika
Jul 6, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Ayaw mang sabihin ni Derek Ramsay ang dahilan ng breakup nila ni Joanne Villablanca, lalo tuloy kami naiintriga.

Dahil sa tono ng sagot ng Kapuso actor, parang wala nang pag-asang magkabalikan silang dalawa.

Sa post ni Derek Ramsay nitong Sabado, Hulyo 6, sa Instagram, may isang fan na ewan kung close sa kanya, ang nag-comment tungkol sa kanila ni Joanne.

Sabi nitong @mae_yers, “Its sad that you let go of Jo. She’s definitely the better woman. I hope you don’t regret it… she’s a great catch!”

Sinagot ito ni Derek ng “@mae_yers no regrets.”

Tuluyan na bang kinalimutan ni Derek ang halos anim na taong pinagsamahan nila ni Joanne?

Noong mediacon ng The Better Woman, tinanong din namin si Derek kung may ginagawa ba siyang paraan para magkabalikan sila. Pero paulit-ulit itong umiiling.

Tinanong uli namin kung posibleng magkabalikan ba sila. “If you let it get to this… If we’re meant to be, we wouldn’t let it get to this,” matipid niyang sagot sa amin.

Continue reading below ↓

Ilang beses niya itong iniyakan pero alam niyang makasanayan na rin niyang wala na si Joanne sa kanyang buhay.

Ngayon ay nasa Dubai si Derek para sa GMA Pinoy TV at nagkita raw sila roon ng kanyang anak.

Dumaan lang siya ng Dubai dahil tutuloy pa siya sa United Kingdom para daluhan ang isang annual festival sa Birmingham.

JERRY OLEA: Basta usapang “the better woman” ay dawit diyan si Andrea Torres.

Sa mediacon ng teleserye nila ni Derek noong Hunyo 27, Huwebes sa Prime Hotel, Quezon City ay tahasang sinabi ni Andrea na wala silang relasyon ng kanyang leading man.

Nauubos ang oras at lakas ni Andrea sa teleserye kung saan kambal ang papel niya.

Sa mga eksenang andiyan ang kambal ay paulit-ulit ang pagkuha, karaniwan ay 4 takes.

Out-of-town pa ang madalas nilang location.

Kaya kesa pagtuunan niya ng pansin ang intriga sa kanila ni Derek, natutulog na lang si Andrea.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Ang sabi nga, wala iyan sa length of time.

Naniniwala akong may itinakda talaga para maging katuwang mo habambuhay.

Kung si Andrea yun para kay Derek, I don’t know.

Puro pagtatanggi ang nakukuha natin. Baka hindi rin sila yung pangmatagalan. Baka pang-ngayon lang muna.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results