The General's Daughter ni Angel Locsin, matatapos na sa September 2019?

by PEP Troika
Jul 8, 2019
PHOTO/S: ABS-CBN

GORGY RULA: Reliable ang nagkuwento sa PEP Troika na sa September na raw matatapos ang The General’s Daughter ni Angel Locsin.

Ipapalit daw sa teleseryeng ito ang Take Life ni Gerald Anderson. Kasama rin yata rito si Elmo Magalona.

Kuwento rin ng military ang teleseryeng ito ni Gerald, di ba?

Matagal-tagal pa ang September, kaya abangan natin kung meron pang pagbabago.

Pero ang isa pang tanong na ewan ko kung sasagutin sa ngayon ng taga-ABS-CBN, may kasunod pa kaya silang ibibigay kay Angel?

Wala pang announcement sina Angel at Neil Arce kung kailan ang kasal, pero malay natin, baka maging abala na si Angel sa wedding preparations kung next year ang kasalan.

Curious din kasi kami kung ire-renew ba ng Kapamilya network si Angel, dahil magiging Mrs. Arce na siya.

May mga nagsasabi pang tila tuluy-tuloy pa raw ang paglaki ni Angel.

Kung hindi pa siya magpapayat, baka mahirapan na siyang mabigyan ng magandang role.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Narinig ko rin iyang pagwawakas ng The General’s Daughter.

Pero lahat naman, magtatapos, baka mauna lang sila.

Meron pa ngang Mea Culpa, Sino Ang May Sala na nakaambang magtapos din.

Sino at ano kaya ang nakaambang papalit?

Oo, nakakasa na ang Take Life ni Gerald Anderson.

Paano na ang Starla ni Juday, kailan na kaya ipalalabas yun? Abang-abang na lang muna tayo.

JERRY OLEA: Base sa national TV ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, ang Top 4 programs mula Lunes hanggang Biyernes ay ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, The General’s Daughter ni Angel Locsin, ang newscast na TV Patrol, at ang Kadenang Ginto.

Iyong FPJ’s Ang Probinsyano ay na-extend nang extend.

Ang Kadenang Ginto, puwede ring patagalin nang patagalin.

Sa extension ng The General’s Daughter... kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan.

Engaged na si Angel. Her biological clock is ticking.

Continue reading below ↓

Sakaling maayos ang problema ng Kapamilya Network sa renewal ng franchise, natitiyak kong kukunin at kukunin nila si Angel.

Subok na ang husay ni Angel.

Kahit lumobo ang kanyang dibdib at lumapad ang kanyang balakang, sinusubaybayan ng televiewers ang kanyang teleserye.

At kahit hindi siya home-grown talent, handa si Angel na ipagtanggol nang buong-puso ang ABS-CBN!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results