Korina Sanchez, maghu-host ng 3rd EDDYS Awards

by PEP Troika
Jul 7, 2019
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA: Si Korina Sanchez-Roxas ang maghu-host ng 3rd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) sa Hulyo 14, Linggo, 7:00 PM sa New Frontier Theater, Araneta Center, Quezon City.

Ang Kapuso artists na sina Juancho Trivino at Arra San Agustin ang hosts sa red carpet.

Performers sina Kuh Ledesma, Ice Seguerra, Aicelle Santos, Gerald Santos, Rayver Cruz, Lara Maigue, Bituin Escalante, Rita Daniela, Hashtags’ Rayt Carreon, Jem Cubil & Andrea Babierra, Sean Oliver, Both of Us (BOU), RJ dela Fuente, Acapellago, at Raket Manila Dancers.

Sa pakikipagtulungan sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), magpupugay ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kay Eddie Garcia.

Pagkakalooban ng Icon Awards sina Amalia Fuentes, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Gutierrez, Anita Linda, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Vilma Santos, at Lorna Tolentino.

Para sa mga interesadong manood nang live sa 3rd EDDYS awards night, maaari kayong makakuha ng libreng tickets, dalawa kada tao, sa New Frontier Theater box office sa Hulyo 9, (Martes), Hulyo 10 (Miyerkules) at Hulyo 12 (Huwebes), 1:00-5:00 PM.

Continue reading below ↓

First come, first served basis ito.

NOEL FERRER: Good luck sa Eddys! At wow, si Korina Sanchez-Roxas talaga, ha?!

JERRY OLEA: Isa ako sa members ng SPEEd, kaya batid ko na hindi pa nagbobotohan ang grupo para sa winners.

Magkakalaban bilang Best Actor sina Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset), Piolo Pascual (Ang Panahon ng Halimaw), Carlo Aquino (Exes Baggage), Christian Bables (Signal Rock), Daniel Padilla (The Hows of Us), Dingdong Dantes (Sid & Aya: Not a Love Story), at Paolo Contis (Through Night & Day).

Magkakatunggali bilang Best Actress sina Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza de Castro (Liway), Gloria Romero (Rainbow’s Sunset), Judy Ann Santos (Ang Dalawang Mrs. Reyes), Kathryn Bernardo (The Hows of Us), Nadine Lustre (Never Not Love You), at Sarah Geronimo (Miss Granny).

Andiyan pa ang anim na special awards—Joe Quirino Award (Cristy Fermin), Manny Pichel Award (Ethel Ramos), Producer of the Year (Star Cinema), Rising Producers’ Circle (Spring Films at T-Rex Entertainment), Lifetime Achievement Award (Elwood Perez) at posthumous award para sa yumaong hari ng komedya na si Dolphy.

Continue reading below ↓

Ang 2019 EDDYS ay produced ng Echo Jham Entertainment Productions, sa direksyon ni Calvin Neria.

Presented by Cignal TV, mapapanood ito sa Colours (Channel 60 SD at Channel 202 HD) sa Hulyo 21, Linggo, 9:00 PM.

GORGY RULA: Mukhang iba ang taste ng mga taga-SPEEd. Tingin ko, iba ang winners nila sa ibang award-giving bodies.

JERRY OLEA: Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng pelikulang Pilipino, kikilalanin sa EDDYS Parangal sa Sandaan ang “unsung heroes” at mga alagad ng sining na nag-alay ng di matatawarang oras, lakas at talento sa industriyang minahal sa loob ng mahabang panahon.

Ang TV host-journalist na si Lourd de Veyra ang anchor ng EDDYS Parangal sa Sandaan.

Kabilang sa honorees ang Sampaguita Pictures (represented by Marichu Vera Perez-Maceda), LVN Studios (Maroth de Leon), Premiere Productions (Digna Santiago), at sina Armida Siguion-Reyna (posthumous), Val Iglesias, Vic Delotavo, Romy Vitug, Romy Peralta, Lucy Quinto, Val Campbell, Rustica Carpio, Rosa Rosal, Tommy Abuel, Pepito Rodriguez, Perla Bautista, Lorli Villanueva, Robert Arevalo, Odette Khan, at Tony Mabesa.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results