Spider-Man: Far From Home, iniwasang makasabay ng Pinoy films

by PEP Troika
Jul 8, 2019

JERRY OLEA: Noong Abril 20, Sabado de Gloria, bukod-tanging ang Dagsin ang local movie na nag-open sa mga sinehan.

Abril 24, Miyerkules, glorious & marvelous sa takilya ang Avengers: Endgame. Walang nangahas tumapat dito.

Iyong Sons of Nanay Sabel na Mayo 1 ang original playdate, umatras nang isang linggo.

Hunyo 26, ngangey sa takilya ang Pinoy films na KontrAdiksyon at Because I Love You.

Hulyo 3, love love love ng moviegoers ang bagong marvelous movie na Spider-Man: Far From Home.

Ang worldwide gross nito ay $580M agad-agad, ayon sa Box Office Mojo.

Continue reading below ↓

Walang Pinoy movie na kumontra kay Spidey.

Maski sa Hulyo 10, Miyerkules, waley pa ring Pinoy film na magpapaandar.

E, kasi naman, inaasahang maghahari sa takilya sa Hulyo 17 ang live action na The Lion King.

Sa palagay ninyo, happy ang kahihinatnan ng Pinoy movie na makikipagsalpukan kay Simba? Hakuna Matata!

Sa Hulyo 24 nakatakdang ipalabas ang Family History nina Michael V at Dawn Zulueta, samantalang Hulyo 31 ang playdate ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

NOEL FERRER: Nasa PHP295M na ang kinita ng Spider-Man: Far From Home sa limang araw (Hulyo 3-7, Miyerkules hanggang Linggo) nitong showing sa bansa.

Wala pa ring local film na makikipagsapalaran sa Wednesday.

At kailan na ba talaga ipapatupad ang FRIDAY opening ng film?

Anong unang local film ang apektado rito?

GORGY RULA: Mahigit dalawang oras daw ang running time ng pelikulang Family History, na pinagbuhusan ni Direk Michael V. ng kanyang talento at kakaibang style ng paglalahad ng kuwentong isinulat niya.

Continue reading below ↓

Inaasahang tatanggapin ito ng mga manonood.

Ipinagkatiwala sa kanya ng GMA Pictures na buuin ang pelikulang ito dahil naniniwala sila sa pagiging henyo ng comedian, writer, at direktor.

JERRY OLEA: Ipalalabas ang extended version ng Avengers: Endgame simula Hulyo 12, Biyernes, sa piling sinehan ng bansa.

So far ay $2.772B na ang worldwide gross nito.

Continue reading below ↓

Konting kembot at kandirit na lang, lalagpasan na ng Avengers: Endgame ang global gross ng Avatar na $2.788B.

Ang tatlo pang pelikula na lumampas sa $2B-mark ay Titanic ($2.187B), Star Wars: The Force Awakens ($2.068B), at Avengers: Infinity War ($2.048B).

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results