Matteo Guidicelli, pinasaringan ni Chai Fonacier

by PEP Troika
Jul 9, 2019
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA: Saludo si Matteo Guidicelli sa watawat ng Pilipinas sa Instagram post niya noong Hulyo 6, Sabado.

Ani Matteo: “Salute to the flag, salute to our beautiful country! We challenge YOU, especially our colleagues in the showbiz industry.

“Instead of talking smack about different issues, why not unite so we may progress to make a better tomorrow.”

Hulyo 8, Lunes, nag-post si Matteo sa IG ng litratong kuha sa Cotabato City, kasama ang mga bata roon, at sina Maj. Gen. Bernie Langub at Lt. Gen. Sobehana.

Sabi ni Matteo: “The last thing Soldiers want to do is fight. What Soldiers really want to do is nurture and build a brighter future for our children.”

Post ng aktres na si Chai Fonacier nitong Hulyo 9, Martes ng umaga, sa Facebook:

“No matter how many feeding programs he does, Matteo GOYO-celli doesn't know shit about this country.

Continue reading below ↓

“He never had people close to him die as collateral damage, he never was poverty stricken because if he ever does, DADA is always there for him.

“Never has he slept on hard floors not by his choice, never has he had to wait for payment from clients while having only fifty pesos in his pocket. Never had to worry for rent being late.

“For sure he worked hard towards where he is now. What he doesn't realize is he had a head start.

“But hey, the privileged mofo has the gall to tell people to shut up. Because you know what? He was never put in a position where he has to complain for his rights.

“Drag him and clock him and read him for filth. There's a word for people like him: “ASSHOLE.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: May kani-kanyang punto ang dalawang celebrity na ito.

Ipinalalagay kong well-intentioned si Matteo Guidicelli sa kanyang pronouncements at actions, pero medyo simplistic ang ganoong call for unity nang hindi isinaalang-alang ang mga basehang issue na may tunay na pag-uusap at pag-aksyon sa mga usapin.

May punto rin si Chai Fonacier sa kanyang sinabi.

Dapat, mulat din tayo sa katotohanan na may mga sektor na “collateral damage” sa pagbabagong nagaganap sa ating lipunan.

Ito yung mga pinatatahimik—ngunit mainam ding marinig para mamulat!

Huwag na lang sanang mag-name calling at mantuya para may magandang pag-uusap at unawaang maganap. Di po ba?

JERRY OLEA: Umalma ang Kapuso soap opera writer na si Suzette Doctolero sa mga bumabatikos kay Matteo kaugnay sa pagsaludo nito sa ating watawat.

Post ni Suzette nito ring Hulyo 9 sa FB: “Anong masama sa stand niya? Pakialam ba ninyo?

"Magrally kayo at magpaka anti govt, go, pero huwag ninyong pakialaman ang paniniwala ng iba.

Continue reading below ↓

“For me kahanga hanga siya.”

GORGY RULA: Naintindihan ko si Chai Fonacier na maaaring dumaan sa matinding hirap, lalo na’t nakikita rin niya siguro ang hirap na pinagdaanan ng iba.

Pero mapalad siya at nakaririwasa na siya ngayon dahil sa talento niyang nagdala sa kanya sa showbiz na pinasukan niya.

Continue reading below ↓

Sana, may nagawa rin siya sa mga taong patuloy pa ring nasadlak sa kahirapan.

Sana, kahit nasa maliit na paraan kagaya ng feeding program ay naging bahagi siya nito.

Walang maitutulong ang putak lang nang putak.

At least, mapupuri ko rito si Matteo dahil kahit ipinanganak siyang nakaririwasa sa buhay, sinubukan niyang dumaan sa mahirap na pagsasanay upang makamit niya ang pinaniniwalaang makapasilbi sa bayan.

Inaasahang marami siyang mapagtanto ngayong nasa lupon na siya ng mga sundalo.

Makikita rin niya ang katotohanang marami pa rin sa mga kapwa niya sundalo ang salat pa rin sa benepisyo kahit nakataya na ang buhay nila.

Masuwerte lang si Matteo dahil celebrity siya at nagagamit na ngayon para sa pagpapaganda ng imahe ng mga military. Lahat iyan ay may kani-kanyang hirap na pinagdaanan.

Hindi lang sa mundo ni Chai, mundo natin, pati rin sa mundong pinasok ni Matteo.

Iisa lang ang hangad nating lahat na makamit ang matagal nang hinahangad nating maahon sa kahirapan.

Continue reading below ↓

Kaya sabi ni Matteo, sana ay magkaisa na lang at huwag nang ipokus sa iba’t ibang isyung magiging sanhi ng pagtatalo nating lahat.

Dahil hindi naman maapektuhan diyan ang mga nasa itaas na lalo na’t ang mga nanunungkulan.

Ang lubhang maapektuhan pa rin diyan ay ang mga nasa ibaba at laylayan ng ating lipunan.

Mahirap palakihin pa ang usaping ito dahil babagsak lang ito sa isyung pulitikal.

Bilang isang simpleng mamamayan, makiisa na lang sana tayo para sa iisang hangarin para sa ating bayan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results