Matteo Guidicelli, bagay maging kapalit ni James Reid bilang Pedro Penduko

by PEP Troika
Jul 10, 2019
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA: Napakahirap ng Scout Ranger training ni Matteo Guidicelli, ngunit natapos niya ito nang maluwalhati.

Nang dumalaw si Matteo last week sa office ng Viva Artists Agency para pag-usapan ang kanyang future projects, nag-Tusok Ulo (Rangers Bow) siya sa manager niyang si Boss Vic del Rosario.

Pinost ito ni Matteo sa Instagram.

Naisip ko tuloy.... perfect si Matteo na maging kapalit ni James Reid sa pelikulang Pedro Penduko: The Legend Begins.

Kayang-kaya ni Matteo ang maaaksyong eksena!

Payag ba kayo na si Matteo ang maging bagong Pedro Penduko, o may iba kayong bet?

If so, si Nadine Lustre pa rin ba ang Maria Makiling sa movie... o si Sarah Geronimo na?

NOEL FERRER: Puwede namang maging bagong Pedro Penduko si Matteo.

Pero this might be a good chance to ask, saan nga ba tunay na magaling si Matteo?

Una, of course sa kanyang racing, kung saan siya unang kinilala.

Continue reading below ↓

Umarte, nag-host, kumanta—at passable si Matteo.

Competent, napakabait, at magalang na tao!

Ang kailangan niya ngayon ay mga career-defining projects that would make people think na mag-e-excel siya talaga sa mundo ng showbiz.

If not, baka nasa pagiging militar at pagiging scout ranger ang kanyang misyon sa buhay.

OK din lang naman!

Kayo, anong tingin ninyo kay Matteo?

GORGY RULA: Wala namang silbi ang mga komento natin dahil wala pang pahayag ang Viva.

Hintayin siguro muna natin ang announcement kung itutuloy pa ba nila at kung sino na ang napili nilang gaganap na kapalit kay James Reid.

Saka bago siguro magbigay ang Viva ng balita tungkol sa Pedro Penduko, baka puwede muna nilang sagutin kung bakit hindi pa rin pumipirma ng renewal si James sa ABS-CBN?

Ang tagal nang nag-renew ni Nadine Lustre na dapat sabay sila ni James.

May problema ba ang Viva kay James o sa tatay ng actor-singer?

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results