Newbies Royce Cabrera at Kokoy de Santos, hindi raw fuccbois sa tunay na buhay

by PEP Troika
Jul 10, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Virgin pa raw sa bading ang 23-anyos na si Royce Cabrera at ang 21-anyos na Kokoy de Santos, ang dalawang bida sa Fuccbois na official entry sa 15th Cinemalaya indie filmfest (Agosto 2-13, 2019).

Ipinagdiinan nila sa mediacon nitong Hulyo 9, Martes, sa CCP na hindi sila fuccbois sa totoong buhay.

“Basta, pag pinanood ninyo po ito, ako si Ace—hindi si Royce! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Ang daming nagtatanong... basta, ang sabi ko lang, basta, pag pinanood ninyo ito, hindi ako ito, ha?! Ako si Ace Policarpio!” lahad ni Royce.

Sa pelikulang Die Beautiful (2016), smack lang ang kiss ni Kokoy kay Paolo Ballesteros.

Akala ni Kokoy ay babae naman ang makakahalikan niya sa pelikulang Fuccbois, pero lalaki pa rin pala.

Sa mga bading sa showbiz, sinu-sino ang Top 3 na bet makatsugian ng mga karakter nilang sina Ace Policarpio at Miko Ramos?

Napangiti si Royce, “Siguro, laban na natin si ano... si Vice [Ganda], laban na!”

Continue reading below ↓

“Ikaw sa itaas, ako sa ibaba! Ha! Ha! Ha!” hirit ni Kokoy.

Number 2, ang naisip ni Kokoy, si Kuya Boy Abunda.

Wala na silang maibigay na pangalan sa #3 spot.

“E, iyong iba naman kasi, tsismis lang! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting pa ring halakhak ni Royce.

Continue reading below ↓

Royce Cabrera

Nilinaw ng dalawa na ang pagpili nila kina Vice at Kuya Boy ay base sa mga karakter nila na nangangarap sumikat bilang mga artista.

NOEL FERRER: Nag-iba na nga ang panahon.

Open na talaga ang boys sa pagsasalita sa mga type nilang bading, ha?!

Sana, ma-type-an din natin ang kanilang pelikula at performance sa Cinemalaya entry nila.

Good luck!

GORGY RULA: Sanay na rin ang mga bading sa mga sagot ng karamihang kalalakihan na wala raw silang karanasan sa bading.

Ipinagkibit-balikat na lang namin iyan. Pero keber kung may karanasan sila o wala!

Ang Fuccbois ang una kong panonoorin para maalipusta agad kung hindi naman pala kagandahan.

Ang dating kasi sa akin, parang bentang-benta ang mga mapangahas na mga eksenang ginawa nila, at hindi nabanggit kung kailangan ba talaga sa kuwento at kung maganda ba ang pagkakalahad.

aka doon sa choices nilang mga bading, bakit hindi binanggit ni Kokoy si Paolo Ballesteros na nakaeksena na niya pala?

Continue reading below ↓

Sana, maraming entries ang 15th Cinemalaya na talagang maganda at matino.

For the past two years, iilan lang ang masasabing maganda na puwede mong maipagmalaki, e.

Siyempre, curious ako sa entry nina Xian Lim at Atty. Joji Alonso.

Hindi ko palalagpasin ang Tabon at Belle Douleur (Beautiful Pain).

JERRY OLEA: Higit pa sa pa-puwet ang mapapanood kina Royce at Kokoy sa movie.

“Merong pa-kalembang,” sambit ni Royce.

“Pati burnik, makikita,” natatawang sundot ni Kokoy.

“May pa-santol!”

“Rambutan pa!”

“Sa poster pa lang, may santol na, di ba?”

“Santol ba ang mahalaga o yung sanga?”

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Iyong tangkay! Ha! Ha! Ha! Ha!”

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Continue reading below ↓

Kokoy de Santos

Gandang-ganda si Royce sa iskrip ng Fuccbois.

Aniya, “Hindi lang siya basta daring na parang, alam mo yun, hubad lang. Hindi, e.

"Iyong story behind it, maganda. Maganda!”

Pahayag naman ni Kokoy, “Bago ko gawin itong movie, iba ang tingin ko sa fuccbois.

"'Tapos, noong ginagawa na namin itong film... once na mapanood ninyo ito, malalaman ninyo kung bakit pala sila ganoon.

“Behind that... kung bakit merong fuccbois.”

Ang Fuccbois ay idinirehe ni Eduardo Roy Jr.

Nasa cast din nito si Ricky Davao.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results