Ricky Davao, sinabing nagising ang industriya dahil sa sinapit ni Eddie Garcia

by PEP Troika
Jul 11, 2019
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for YES! / Noel Orsal

JERRY OLEA: Nalulungkot si Ricky Davao na kailangan pang mamatay si Eddie Garcia para magising ang mga nasa industriya ng TV at pelikula, at ayusin ang working conditions.

“Although meron naman, sa totoo lang, meron naman,” seryosong pahayag ni Ricky sa mediacon ng 15th Cinemalaya indie filmfest noong Hulyo 9, Martes, sa CCP.

“Kaya lang, dahil siguro sa budget constraint, nagmamadali—nobody wanted that to happen—pero ano naman, lahat naman ng production, may ano naman, e.

“Careful naman sa mga ganoon, but it’s really sad, for Tito Ed pa... sa kanya nanggaling.

“He’s 90 years old but, you know, I met him when he was in his 40s. He works out.

"Siyempre, nagpupuyat, pero kapag kailangang magpahinga, nagpapahinga. He took care of his body.

“'Tapos, biglang... di ba? Nadapa lang.

“But of course, 90. It was a freak accident. Di ba? Nobody wanted that to happen.

Continue reading below ↓

"Pero... parang... di ba, nag-iwan pa siya ng ano, something.

“Nagising lahat, e!”

Ramdam na niya ang pagbabago matapos ang nangyari kay Manoy?

“Oo! Nagising lahat! Shooting, taping... lahat, may ano. Kung hindi ambulansiya, medics.”

Kasama si Ricky sa dalawang Cinemalaya 2019 entries—ang sci-fi na ANi (The Harvest) at erotic drama na Fuccbois.

NOEL FERRER: Magkakaroon ng higit na saysay ang pagkamatay ni Tito Eddie kung aside from the tributes, ilabas na ang resulta ng investigations sa nangyari at managot ang kailangang managot.

Mabuti at may pagbabago na sa paraan ng pag-aalaga sa movie workers, lalo na sa senior citizens, as attested by Ricky Davao.

GORGY RULA: Paulit-ulit na itong pinag-uusapan. May kanya-kanyang opinyon, wala na tayong magagawa.

Wala na si Manoy. Nakaka-miss siya talaga.

Sabi nga ni Ricky Davao, walang may kagustuhan sa nangyari.

Ngayon, sa isyung may kakulangan sa set gaya ng medics, malalaman natin iyan kapag inilabas na ng GMA-7 ang resulta ng imbestigasyon nila sa taping ng Rosang Agimat na pinangyarihan ng aksidente noong Hunyo 8.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Cyrus Panganiban for YES! / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results