Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Liza Soberano, ituloy kaya ang demanda laban kay Kapitana Sisa?

by PEP Troika
Jul 11, 2019
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA: Pasiklab muli ang “Mama Ogs Says...” post ni Ogie Diaz sa Facebook nitong Hulyo 11, Huwebes ng madaling-araw.

Kumusta na kamo ang alaga niyang si Liza Soberano?

“Okay naman si Liza. Nasa healing period na siya. Successful naman ang finger surgery niya.

“Gagaling agad si Liza, kasi maraming nagdarasal para sa kanya.

"And gusto na talaga niyang mag-work, dahil three months din siyang nasa US.

“Kaya abangan ang pagbabalik ng agila. Agila daw, o!”

Yung tungkol sa...

“Alam ko na yung itatanong mo. Will answer that on Monday, dahil di pa tapos ang usapan namin ng aming lawyer na si Atty. Jun Lim.

“Kaya wait, wait lang.”

Matuloy kaya ang pagsasampa ni Liza o Ogie ng kaso kay Glenn Dy aka Kapitana Sisa ng 106.7 Energy FM?

NOEL FERRER: Everyone’s praying for Liza’s healing.

Matagal-tagal na rin siyang nabinbin dahil sa finger injury niya.

Pagbalik niya rito, balita ko’y aasikasuhin niya ang bago niyang teleserye with Enrique Gil.

Continue reading below ↓

Dapat magbunyi ulit ang fans ng LizQuen tandem dahil iyan ang nakatakda nilang gawing susunod after the hit movie Alone/Together.

GORGY RULA: Mahaba pa ang lalakbayin ng kaso na iyan kung pursigido si Ogie na isampa ito.

Pero malawak ang sakop ng cyberlibel.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pag umakyat sa korte ang kasong iyan, magkakaroon pa ng mediation at dapat bongga ang moment diyan ni Kapitana Sisa.

Baka magkaroon naman ng kapatawaran sa huli.

Kaya baka ang ending, magkakaayos din sila lalo na't kung matiis ni Kapitana Sisa na magpakutos kay Ogie.

Malambot naman ang puso ni Ogie. Malay natin, di ba?

JERRY OLEA: Nag-PM (private messenger) ako kay Ogie at inurirat kung kailan uuwi si Liza, at kung gagawa uli sila ni Enrique ng teleserye.

Tugon ni Ogie, “Within this month, baka umuwi na si Liza. Depende pa sa advise ng doctor niya pag nagpa-check up uli siya.

“Yes, teleserye ng LizQuen ang nakatakda nilang gawin under Star Creatives."

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results