Bra at panty, mabenta sa launching ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019

by PEP Troika
Jul 11, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Pokpok ang papel ni Sue Ramirez bilang Adela Johnson sa pelikulang Cuddle Weather, isa sa 10 official entries ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (Setyembre 13-19) na ang tema ay “Pamilya, Pagkakaibigan, Pag-ibig.”

Ito ang unang iprinisinta sa mediacon ng PPP 2019 nitong Hulyo 11, Huwebes, sa Sequoia Hotel, Mother Ignacia Avenue, Quezon City.

Buong ningning na inihayag ni Sue, “Ngayon, naka-amerikana ako pero wala akong bra. Ohh! Kinonfirm ko si Adela today!”

Ang ikalawang pelikula, LSS (Last Song Syndrome).

Hirit ni Tuesday Vargas na support sa rom-com, wala naman siyang panty.

Ang ikatlong pelikula, The Panti Sisters na bida sina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario.

“Magbibigay kami ng Panti,” natatawang sambit ng direktor na si Jun Lana.

Pahayag ni Carmi Martin, “Ay, naku, maraming salamat at napasama ho ako sa mga Panti-Panti na ito! Kanina, walang panty. Kami, maraming Panti!”

Continue reading below ↓

Paandar ni Ali Forbes, “Kung si Miss Sue, wala pong bra... dito naman po, lahat po, lalo na yung mga main cast, ay magtatanggal po sila ng panty.”

Pag-amin ni Joross Gamboa, “Ahh, wala po akong brief. Hindi! Hindi! Seryoso! Naka-boxer ako, e!”

Ang ikaapat na pelikula, G! na bida sina McCoy de Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles, at Mark Oblea.

Pasiklab ni Paulo, “Iyong iba po diyan, walang panty, walang brief. Kami po, kita ang puwet.”

Ang ikalimang pelikula, I’m Ellenya L, bida si Maris Racal.

Ang ibig sabihin ng L sa titulo ay Lakampanti. Lakampanti?!

Guest sa movie si Sue Ramirez, at nagpasalamat si Maris na pinaunlakan sila ng boobs ni Sue.

“Ako po kasi, walang boobs!” saad ni Maris.

Sumunod na iprinisinta ang mga pelikulang Open (JC Santos, Arci Muñoz, Ina Raymundo, & Vance Larena), Watch Me Kill (Jean Garcia & Jay Manalo), Circa (Anita Linda, Eddie Garcia, Gina Alajar, Laurice Guillen, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, & Ricky Davao), at Lola Ina (Angie Ferro, Yves Flores, & Meryll Soriano).

Continue reading below ↓

Panghuli ang B&W Visayan film na Pagbalik, kung saan bida ang mag-inang Gloria Sevilla at Suzette Ranillo.

Ayon sa co-star nilang si Alora Sasam, “Pasensiyahan niyo na po, sa pelikula namin, wala pong panty na huhubarin. Puro po kami adult diapers in this movie!”

GORGY RULA: Bakit puro "wala" ang ginagamit na pakuwela nila?

Baka mamaya ay ‘wala' ring manonood.

Malaking challenge ito sa FDCP dahil sa pangalawang taon, bumaba ang kinita ng PPP.

Sana makabawi sila sa ngayong taong Pista dahil masigasig ang lahat sa pag-angat ng mga pelikula natin dahil pababa na siya nang pababa.

Sakaling matuloy ang plano ng MMDA at Senator Bong Go na gawing dalawa ang MMFF next year, dapat meron pa ring PPP, di ba?

NOEL FERRER: Good luck sa sunud-sunod na Film Festivals—Cinemalaya sa Agosto, PPP sa Setyembre, may Cinema One Originals at QCinema pagkatapos, and by December ang Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓

Iba’t ibang pelikula, iba’t ibang audience. Pare-parehong mga pelikulang Pinoy.

Suportahan po natin!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results