Second run ng Binondo musical, mas maganda kumpara sa una

by PEP Troika
Jul 12, 2019

JERRY OLEA: Minsan pa akong humibik at humikbi sa dakilang pagmamahalan nina Lily (Shiela Valderrama-Martinez) at Ah Tiong (Arman Ferrer) sa press preview ng Binondo: A Tsinoy Musical rerun nitong Hulyo 11, Huwebes ng gabi, sa The Theatre @ Solaire.

Magaling! Magaling! Bravo, Direk Joel Lamangan!

Pinaka inabangan ko ay ang pag-uumpisa ng ikalawang bahagi ng dula, kung saan umuwi si Ah Tiong sa China.

“Si Duterte!” bulalas ng kaibigang Wilson Lee Flores nang bumulaga ang malaking bust sa background.

Continue reading below ↓

Early 1970s ang eksena, at sa China iyon—kaya hindi iyon si PRRD, kundi si Mao Tse Tung (Mao Zedong, Chairman Mao).

Ang totoo, mas kamukha ni Digong iyong bust sa first run ng Binondo last year.

Pumitik at nagpapitlag muli sa aking puso at diwa ang Mandarin song na "The Moon Represents My Heart," na pinasikat ng Taiwanese singer na si Teresa Teng noong 1977.

Ang unang kumanta nito ay si Chen Fen-Ian noong 1972 o 1973—bago nagkaroon ng Martial Law sa Pilipinas.

Agosto 5-8 bilog na bilog ang buwan noong 1971, ayon sa research ko sa Google.

Agosto 25-30 naman ang Full Moon noong 1972.

Kaya medyo naguluhan ako sa time setting sa pagsisimula ng kuwento ng Binondo.

NOEL FERRER: Mahuhusay naman talaga ang performances sa dulang ito.

Sana mas naging tight at mabilis ang pacing ng dula on its rerun.

Balita ko, magiging available din ang cast recording CD ng dulang ito—para lalo pang ma-appreciate ng mga tao long after the musical play is done!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Parang mas na-appreciate ko ang rerun ngayon kumpara sa first run nito noong nakaraang taon.

Sabi ni Direk Joel, may binago lang siya sa opening at binilisan daw niya. Kaya may mga binawasan siya.

Pero mahaba pa rin ang palabas na masustansiya naman ang kuwento.

Nae-enjoy ni Direk Joel ang pagdirek ng musical play dahil nakikita mo agad ang resulta at kaagad natatanggap ang feedback ng mga manonood.

Kaya kahit magiging abala siya sa paggawa ng pelikula at pasulput-sulpot na teleserye, gusto pa rin niyang magdirek ng musical play.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Ngayong Hulyo 12, Biyernes, 8 P.M., ang gala ng Binondo re-run.

Palabas din ito bukas, Sabado, 3:00 P.M. at 8:00 P.M.; at sa Linggo ng 3:00 P.M.

Handog ito ng Maritess Alava-Yong Foundation, Inc., for the benefit of Cancer Support and Research Charity for People Living with Cancer and Potential Prevention.

Original story ito ni Rebecca Chuaunsu.

Ang libretto ay isinulat nina Ricky Lee, Gershom Chua, at Eljay Castro Deldoc.

Nilapatan ng musika ni Von de Guzman. Choreography ni Douglas Nierras.

Kabilang pa sa mga tauhan ng dula sina Carlos (Noel Rayos), Jasmine (Mariella Laurel), Mrs. De la Rosa (Ima Castro), Rubi (Ashley Mickaela Factor), Lourdes (Jennifer de la Cruz), at Ge Lao (Jonel Mojica).

Bahagi ng Koro sina Jim Pebanco, Lorenz Martinez, Khalil Kaimo, Rhapsody Li, at Ellrica Laguardia.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results