Long Mejia, may utang pa kay Arnell Ignacio?

by PEP Troika
Jul 13, 2019
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA: Napilitang umamin si Arnell Ignacio nang kinulit ko kung totoong may utang si Long Mejia sa kanya na hindi pa nababayaran hanggang ngayon.

Ayon sa kuwentong nakarating sa akin, nag-order daw si Long ng wig sa tindahan ni Arnell sa Creative Hair Systems sa Greenhills.

Nangyari raw ito bago mag-eleksyon, at abala pa raw noon sa pangangampanya si Long sa CamSur.

Nagulat daw ang mga staff ni Arnell nang dumating si Long na may bodyguards na kasama.

Naghanap daw ng magandang wig para sa kanya.

Ang lakas daw ng dating na tanong nang tanong kung magkano yung wig na naka-display doon.

Inistima raw siyang mabuti, hanggang sa nag-order na siya ng isang wig na nagkakahalaga ng P38,000.

Humingi raw ito ng discount, kaya tumawag ang staff kay Arnell para ipa-approve ang hinihinging discount.

Sa halip na P38K, ginawang P25K na lang daw ni Arnell.

Kinuha raw ni Long ang wig, pero wala raw itong ibinigay na bayad.

Continue reading below ↓

Pumayag daw ang staff na nagbabantay roon, dahil akala siguro ay kaibigan naman ito ni Arnell.

Unfortunately, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakapagbayad.

Sinisingil na raw ito ng staff, pero wala raw ipinangakong magbabayad.

Sinasabi lang daw na natalo raw siya kasi sa eleksyon.

Halatang irita na si Arnell sa nangyari, pero ayaw na niya sanang palakihin pa ito.

Naawa lang daw siya kasi sa mga staff na sinusuwelduhan niya.

“Sayang din, pansuweldo rin sana yun sa mga staff,” malungkot na pahayag ni Arnell.

Hindi naman daw sila close, pero sana, kung alam daw nito na wala siyang pambayad, sana ay tinapat na lang daw siya.

At least, wala na siyang aasahan.

Tingin ba ni Arnell, hindi kayang magbayad ni Long, gayong halos araw-araw itong napapanood sa Minute To Win It ni Luis Manzano?

Hindi lang daw niya ako masagot kung umaasa pa ba siyang mababayaran ni Long.

Continue reading below ↓

Wala akong ideya kung paano ma-contact si Long.

Pero bukas ang PEP Troika sa kanyang panig.

JERRY OLEA: How long will it take for Long to settle his obligation?

Huwag na sana niyang i-prolong ang agony ng staff ni Arnell.

Hindi ikamamatay ninuman ang kawalan ng peluka.

Hindi ito basic necessity. E, kung isauli na lang ni Long ang wig, at magbayad ng kaukulang halaga as if nirentahan niya ito?

NOEL FERRER: Ang utang, dapat bayaran. At ang salita, dapat pangatawanan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results