Former Quezon City Mayor Herbert Bautista, balik-showbiz na?

by PEP Troika
Jul 14, 2019
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER: May dalawa kaming dagdag na kaklase sa star-studded Batch 22 ng Ricky Lee Scriptwriting Workshop.

Una ay si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, na nakilala noon bilang Reneboy sa teleseryeng FlordeLuna ni Janice de Belen.

Nanalo siya sa 1984 Metro Manila Film Festival bilang Best Actor para sa "Manananggal" episode ng unang Shake, Rattle & Roll.

Pagkababa sa puwesto sa pulitika, mas ninais ni Bistek na balikan ang masayang mundo na kinagisnan niya—ang show business.

“I will commit to all the Sundays and I really want to learn,” ang sabi sa akin ng bagong classmate Bistek namin.

Ang pangalawa ay si Bianca Balbuena-Liew.

Si Bianca ang youngest recipient of the Asia Pacific Screen Awards (APSA), FIAPF Award for her contribution to Asia Pacific cinema and the 2018 Asian Film Commissions (AFC) Network’s Producer of the Year.

Bianca started her career with Pepe Diokno’s Engkwentro which won Venice Film Festival’s Lion of the Future and Orrizonti Best Film.

Continue reading below ↓

She has attended the Produire Au Sud of Festival des 3 Continents, Rotterdam Producers Lab, Talent Campus Tokyo, Cannes’ La Fabrique des Cinemas du Monde, EAVE Ties That Bind, Aljazeera Witness Documentary Workshop, and the Berlinale Talent Project Market, where she won the ARTE Prize for her film Above The Clouds, her first venture into French co-production.

She is the producer of the indie-blockbuster That Thing Called Tadhana (2014).

In 2016, she produced Lav Diaz’s Berlinale Silver Bear winning Hele Sa Hiwagang Hapis.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Bago mag-eleksyon, sinabi na noon ni Harlene Bautista na tutulong si Mayor Herbert sa kanilang Heaven’s Best Production.

Hindi lang daw sa pag-aartista, baka raw sa pagdidirek.

Kaya siguro pumasok si Herbert sa scriptwriting workshop ay para mas marami siyang matutunan.

Marami kasi ang nag-iisip na baka bigyan siya ni President Duterte ng posisyon sa gobyerno.

Sana, dito muna siya sa showbiz, dahil gusto pa rin talaga niyang maging active sa film production.

JERRY OLEA: Nagpapagaling si Kris Aquino, at may MMFF 2019 entry sila ni Derek Ramsay na (K)ampon.

Balik-showbiz si Bistek matapos ang panunungkulan bilang mayor ng Quezon City.

Isa si Bistek sa presenters ng 3rd Eddys ngayong Hulyo 14, Linggo ng gabi, sa New Frontier Theater, Araneta Center, QC.

Si Kris sana ang host niyon kung maayos ang pakiramdam nito.

May pag-asa pa kaya ang tandem na KrisTek, kahit sa pelikula man lang?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results