Kathryn, Max, at Arjo inisnab ang Eddys; Dingdong, nanalong Best Actor

by PEP Troika
Jul 15, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / @dongdantes Instagram

JERRY OLEA: Walang leakage sa Eddys (Entertainment Editors’ Choice) ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors, kung saan isa ako sa members).

Ipinagdiinan ito ng isa sa founding members ng SPEEd na si Nestor Cuartero sa opening remarks ng ikatlong Eddys nitong Hulyo 14, Linggo, sa New Frontier Theater, Araneta Center, Quezon City.

Ani Nestor, kung sa ibang award-giving bodies ay may pahiwatig sa winners the day before the awards ceremony, sa Eddys ay wala.

Present ang best supporting actor nominees na sina Tirso Cruz III (Rainbow’s Sunset), Ricky Davao (Kasal), at Joross Gamboa (Ang Dalawang Mrs. Reyes), pero waley ang nagwagi na si Arjo Atayde.

Ang isa pang nominado sa kategoryang ito na si Tony Mabesa ay may colonoscopy ngayong Lunes.

Nag-red carpet si Joel Lamangan, pero umalis din ito agad dahil may cast party ang Binondo: A Tsinoy Musical.

Ang tumanggap ng award niya bilang best director ay ang producer ng Rainbow’s Sunset na si Harlene Bautista, kasama ang kapatid na si Hero.

Continue reading below ↓

Dumating ang best supporting actress nominees na sina Nova Villa (Miss Granny) at Pinky Amador (Ang Panahon ng Halimaw), pero waley ang winner na si Max Collins (Citizen Jake).

Noong Linggo nang 4 P.M. ay may promo tour ang best actress nominee na si Kathryn Bernardo (The Hows Of Us) ng pelikulang Hello, Love, Goodbye sa Gateway Mall—konting kembot at kandirit lang sa New Frontier.

Dumating ang best actor winner na si Dingdong Dantes (Sid and Aya: Not A Love Story), at tagos sa puso ang kanyang acceptance speech sa harap ng icons and veterans of the movie industry.

Inisnab man nina Kathryn, Arjo, at Max ang third Eddys, marami pang ibang bituin ang nagpaningning sa gabing iyon.

Maliban sa mga nabanggit na, present sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Eric Quizon, at Piolo Pascual.

Naroon din ang bandang Ben & Ben at sina Direk Elwood Perez, Cristy Fermin, Manay Ethel Ramos, Liza Diño-Seguerra, Romy Vitug, Rustica Carpio, Tommy Abuel, Lorli Villanueva, Lucy Quinto, Rex Tiri, at Direk Kip Oebanda.

Continue reading below ↓

Dumating ang mag-asawang Senator Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado, former Quezon City Mayor Herbert Bautista, former Senator Jinggoy Estrada, at Congressman Alfred Vargas.

Kabilang din sa mga artistang dumalo sina Boots Anson-Rodrigo, Direk Carlitos Siguion-Reyna, Rafa Siguion-Reyna, Kit Thompson, at mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Present sa okasyon sina Javi Benitez, Gino Roque, Gazini Ganados, Patricia Magtanong, Jeric Gonzales, Frankie Russel, Marija Devilec, Empoy, Claudia Barretto, Digna Santiago, Mel Martinez at Lourd de Veyra.

Performers naman sina Kuh Ledesma, Ice Seguerra, Aicelle Santos, Gerald Santos, Rayver Cruz, Lara Maigue, Bituin Escalante, Rita Daniela, Hashtag Rayt Carreon, Jem Cubil, at Andrea Babierra.

Kabilang din sa nag-perform sina Sean Oliver, Both of Us (BOU), RJ dela Fuente, Acapellago, at Raket Manila Dancers.

Red-carpet hosts ang Kapuso stars na sina Juancho Trivino at Arra San Agustin. Host ng programa si Bb. Korina Sanchez-Roxas, na kayganda nang gabing iyon.

NOEL FERRER: As we always say, kanya-kanyang taste ang mga tao.

Continue reading below ↓

Pero katulad ng Urian na nagkaroon ng forum pagkatapos magbigay ng awards at ipinapaliwanag ang choices for film education, siguro ay magandang manguna ang editors ng pagsusulat ng critical essays at reviews na lagpas sa press releases, di ba?

Dito mas nagiging makabuluhan ang ang mga pagpaparangal, na hindi basta socials kundi may kabuluhan pa.

Teka, bakit nga hindi nagsipagdating ang mga ibang nagwagi?

GORGY RULA: Agree ako, Sir Noel, na mas maganda kung naipaliwanag nila kung bakit iyon ang napili nilang winners.

Pero ang isa talaga sa gusto ng Eddys, iyong mabalik sana nila ang excitement sa mga awards night na dumating ang mga nominado at maki-celebrate sa naturang parangal kahit hindi pa nila alam kung sino talaga ang mananalo.

Maganda sa Eddys iyong pagpapahalaga sa veteran stars at icons ng pelikulang Pinoy.

Ang daming natuwa na napagsama-sama ang karamihan sa kanila mula kina Lorli Villanueva at Lucy Quinto, hanggang kina Lorna Tolentino at Christopher de Leon.

Continue reading below ↓

Kuwela ang joke ni dating Senator Jinggoy Estrada—na humingi ng paumanhin na di siya naka-barong nang tanggapin ang award para sa amang si Erap.

"Olats kasi ako, e, wala na akong barong," hirit ni Jinggoy tungkol sa pagkatalo niya sa Senado sa nagdaang 2019 elections.

Ang daming nagtawanan, except kay Madam Korina na seryoso ang mukha.

JERRY OLEA: Mensahe ni Direk Joel Lamangan via Messenger, “Maraming salamat sa pagkilala, Eddys! Isang malaking karangalang parangalang best director ng Editors ng mga pahayagang Pilipino! Salamat po!”

Ayon sa source ng PEP Troika, gustung-gusto ni Kathryn na pumunta sa 3rd Eddys at may nakahanda raw itong gown, kaso dinagdagan ito ng promo tour sa SM Masinag noong Linggo.

Ang 2019 Eddys ay produced ng Echo Jham Entertainment Productions, sa direksyon ni Calvin Neria. Presented by Cignal TV, mapapanood ito sa Colours (Channel 60 SD at Channel 202 HD) sa Hulyo 21, Linggo ng 9 P.M.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / @dongdantes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results