Sue Ramirez, walang kiyeme maging prosti sa Cuddle Weather

by PEP Troika
Jul 16, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Love at first sound.

Nagkaibigan sa unang halinghing ang sanay na prosti na si Adela Johnson (Sue Ramirez) at ang baguhang callboy na si Ram (RK Bagatsing) sa Cuddle Weather.

Isa ito sa 10 full-length films na magtatagisan sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), na tatakbo mula Setyembre 13 to 19.

May kani-kanyang kliyente sina Adela at Ram sa magkatabing kuwarto sa motel. May puwang ba ang wagas na pag-ibig sa kanilang katawang lupa?

“Nai-present na po ito sa akin bago pa iyong presscon last March, pero dahil wala pa po iyong ka-partner, hindi pa po muna nila inano,” nakangiting sambit ni Sue, nang mainterbyu ko sa mediacon ng PPP 2019, noong Hulyo 11, Huwebes, sa Sequoia Hotel, Quezon City.

Walang pag-aalangan si Sue sa pagganap bilang pokpok. May conflict ba sa endorsements?

“Wala, of course! Yung mga endorsement, they respect our line of work, and naiintindihan naman po nila na kapag nagpo-portray kami ng character, hindi na kami iyon,” matatas na paliwanag ni Sue.

Continue reading below ↓

“Kumbaga, ibang tao na po yung ginaganapan namin. So, magkakaproblema lang kung kami na mismo yung gumawa. Ha! Ha! Ha! Ha!”

OK ba si RK na kasalo sa pokpokan? “Of course!” mabilis na tugon ni Sue.

“Napakahusay ni RK. He’s been a gentleman to me. I’ve been very comfortable with him, despite yung mga eksena na we had to do.

"Thankful ako na si RK yung naging ka-partner ko.”

R-16 ang target Movie and Television and Review and Classification Board rating ng Cuddle Weather, kahit mabangis ang vulgarity ng mga dialogue sa pelikula.

NOEL FERRER: Suki na rin si Sue sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Last year, grabe ang pagtanggap sa Ang Babaeng Allergic sa Wifi na pinagtambalan nila ni Jameson Blake, sa direksiyon ni Jun Lana.

Of course, Cuddle Weather is more adult and daring.

Maligaya ako at patuloy na naghahanap ng bankable partner for Sue, kahit iba ang kanyang ka-love life.

Continue reading below ↓

Now, can I ask you: Is Sue Ramirez more accepted and bankable as a) a TV star? b) a star in a movies? c) or both?

GORGY RULA: Sana, may mag-hit na siyang pelikula. Marami pang interesadong kunin si Sue dahil magaling siya.

Siya nga ang kinuhang leading lady ng baguhang talent ng Star Magic na si Javi Benitez sa launching movie nitong Project: Alpha Kid.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results