JERRY OLEA: Pinakamalakas na pelikula noong 1994 ang animated musical na The Lion King.
Ang live action remake nito ay ipapalabas na sa local cinemas umpisa bukas, Hulyo 17, Miyerkules.
Bahagi ng voice cast nito sina Donald Glover, Seth Rogen, Chiwetel Ejiofor, Alfre Woodard, Beyonce Knowles-Carter, at James Earl Jones na ni-reprise ang role bilang Mufasa.
Hakuna Matata!
Kasabay ng The Lion King na mag-o-open bukas ang My Letters to Happy na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro at TJ Trinidad.
Sa Hulyo 24 ang opening ng Family History nina Michael V at Dawn Zulueta, at sa Hulyo 31 magpapasiklab ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
NOEL FERRER: Nakakatakot ang prospects ng local films except for Hello, Love, Goodbye.
Yung iba, parang kinakapos makapasok sa diwa ng mga manonood na Pinoy.
Good luck talaga!!!
GORGY RULA: Binigyan ng Cinema Evaluation Board ng Grade B ang Family History. Rated PG naman mula sa MTRCB.
Pinuri ng mga taga-MTRCB na nag-review ng naturang pelikula, kaya binati nila si Michael V sa idinirek nitong pelikula.
Komento ng ilang nakapanood, madrama ang Family History pero light ang approach ni Michael V dahil gamay niya kasi ang comedy.
Kaya lang, dapat itodo pa ang promo ng Family History dahil mas pinag-uusapan ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.