Neil Arce, hindi totoong baon sa utang

by PEP Troika
Jul 16, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Nag-react ang ilang close friends ni Neil Arce sa bali-balitang baon ito sa utang, at sinasabi pang baka si Angel Locsin pa ang magbabayad ng ibang nautangan nito.

Nakiusap ang isang close friend ni Neil na huwag nang banggitin ang pangalan niya, pero kilala siya sa showbiz.

Unfair daw kay Neil na pagbintangang nababaon ito sa utang dahil sunud-sunod daw na hindi kumita ang mga pelikulang iprinodyus nito.

Sabi ng kausap namin, kahit mag-flop ang mga pelikulang pinuhunan ni Neil, hindi ito mauubusan ng pera na aabot sa pangungutang.

Wala raw utang si Neil dahil napakarami raw nitong pera.

Mag-isang anak lang ito at hindi raw ito pababayaan ng kanyang ina.

Eksaktong pahayag ng kausap naming malapit kay Neil, “Huwag ninyo nang isipin ang apelyidong Arce.

"Dahil ang mas may pera talaga, ang middle name niya. Napakayaman ng mommy niyan.”

Ayaw na lang daw mag-react ni Neil dahil hindi kailangang ipakita o patunayang napakayaman niya. Pero tuluy-tuloy ang pagpu-produce nito.

Continue reading below ↓

Ang produksyon niyang N2 ang producer ng pelikulang I’m Ellenya L. na entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (Setyembre 13-19).

Samantala, pinaplano na raw nina Neil at Angel ang kanilang kasal.

Ayaw lang ibigay sa amin ang mga detalye, pero mukhang may date na sila at inaayos na nila ito ngayon.

Pinag-iisipan na nila kung ano ang maganda at masayang stag party ang ibibigay kay Neil.

NOEL FERRER: Hindi magandang pag-usapan ang pera at yaman sa publiko.

Tamang manahimik na lang si Neil ukol dito. His best weapon is not answering intrigues and publicities but by good works.

Sana, maganda ang I’m Ellenya L. na pinagbibidahan nina Maris Racal at Iñigo Pascual, sa direksiyon ni Boy2 Quizon.

At sana, wagas talaga ang pagmamahalan nina Neil at Angel!

JERRY OLEA: Ewan kung concerned o inggit kay Angel Locsin ang mga nagpapalutang ng tsika na baon sa utang ang kanyang fiancé.

Continue reading below ↓

Bet ba nilang magkaroon ng prenuptial agreement?

At any rate, nakakaaliw si Maris sa trailer ng I’m Ellenya L.

Co-producers ng N2 ang Spring Films at Cobalt Entertainment sa pelikulang ito tungkol sa millennial na si Ellenya Lakampanti, na umiikot ang mundo sa social media.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results