Kim Chiu, gaganap bilang Sisi Rondina sa MMK; Dennis Trillo, bida sa Magpakailanman

by PEP Troika
Jul 17, 2019
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA: Simpleng buhay, simpleng pangarap. Pero di lahat ng simple, madaling abutin.

Abangan ang "Sisi Rondina Story" sa Maalaala Mo Kaya sa Hulyo 20, Sabado ng 8:30 P.M., pagkatapos ng Idol Philippines.

Bida sa episode na ito si Kim Chiu bilang Team Captain ng UST Golden Tigresses, at bahagi pa rin ito ng selebrasyon ng ika-28 anibersaryo ng MMK.

Samantala, tampok si Dennis Trillo sa kagimbal-gimbal na episode ng Magpakailanman sa Sabado night.

Take note na nagtambal sina Kim at Dennis sa MMFF 2018 official entry na One Great Love.

NOEL FERRER: Interesting ang story ni Sisi Rondina na kahit taga-UST ay sinuportahan ng kalabang taga-Ateneo para makaluwas at makalipad ng Maynila ang pamilya niya at mapanood ang anak nila sa UAAP Volleyball Finals.

Ayun, kahit natalo, proud pa rin tayo sa pinagdaanan niya sa buhay.

Teka, may love life ba si Sisi?

GORGY RULA: Dumalo si Amy Austria sa story conference ng bagong drama series sa GMA News and Public Affairs kanina.

Continue reading below ↓

Kinongratulayt siya dahil tuwang-tuwa raw ang mga taga-Magpakailanman dahil nitong nakaraang Sabado ay natalo uli ang Maalaala Mo Kaya.

Si Amy ang bida sa episode ng Magpakailanman.

Parang ayaw pa sanang maniwala ni Amy dahil ang una pala niyang nakitang rating ay mula sa Kantar Media, kung saan mas mataas ang MMK.

Bilang matagal din siyang nagtrabaho sa Kapamilya network, ang Kantar ang madalas niyang basehan sa rating.

Ipinaliwanag ko sa kanya na mas matagal na itong sa AGB NUTAM at dito nagsu-subscribe ang halos lahat ng network.

Panalo ang Magpakailanman sa survey ng AGB Neilsen.

Ngayon lang niya nalamang magkakaiba ng survey ng Kantar at AGB.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results