Ken Chan at Rita Daniela, balik-tambalan sa One of the Baes

by PEP Troika
Jul 17, 2019

GORGY RULA: Katatapos lang ng story conference ng bagong drama series ng GMA 7, ang One of the Baes, na ipu-produce ng GMA News and Public Affairs.

Dito ay ibabalik ang tambalang Ken Chan at Rita Daniela na sumikat bilang BoBrey o sina Boyet at Aubrey sa My Special Tatay.

Ang laki ng pasasalamat nina Ken at Rita dahil dito nila nakitang nagtitiwala ang network sa kanilang tambalan.

Ito raw ang magandang balitang sumalubong kay Ken Chan pagbalik niya mula sa dalawang linggong bakasyon sa Amerika at Bali.

Pahayag ni Ken nang nakatsikahan namin sa storycon sa GMA Network nitong Hulyo 17, Miyerkules, nagpaalam siya sa mga boss ng GMA-7 na magbakasyon muna siya para matanggal niya ang karakter ni Boyet na halos siyam na buwan din niyang dala-dala.

Kuwento ng Kapuso actor, “Nagbakasyon po ako para mawala si Boyet.

"Nagpaalam po ako sa management kung puwede akong umalis kahit mga dalawang linggo.

Continue reading below ↓

“Nag-one week ako sa Bali, nag-one week ako sa New York para lang po… parang pinagpag ko lang po ang karakter ni Boyet.”

Challenging kasi talaga ang mga role na ginampanan niya kagaya ng Destiny Rose at itong My Special Tatay, na madalas ay nadadala niya pag-uwi, pati sa iba niyang pinupuntahan.

“Nadadala ko po, e. Kahit noong Destiny Rose po, nadadala ko po si Destiny, e. Nagbakasyon din po ako noon after.

“Nadadala ko po kasi. Minsan, parang nahihirapan ako mag-guest sa iba.

"Kasi, nauutal pa po ako na parang ang pagsasalita ko po, nakukuha ko pa si Boyet.

“Minsan, nahirapan ako magkabisado ng lines, mag-pronounce ng mga lines kasi… kaya ayun po.

“Para makapag-reset, makapag-refresh, recharge at treat ko na rin po iyun sa sarili ko. Regalo ko sa sarili.

“Hindi naman ako yung tipong magastos sa mga gamit, yung bakasyon talaga ang gusto ko,” saad ni Ken.

Continue reading below ↓

Kaya nitong storycon nila kung saan nagkaroon din sila ng look test, tiningnan niya kung dala pa rin ba niya ang karakter ni Boyet. Hindi naman daw.

Kahit si Rita ay nakikita rin niyang hindi na nito dala ang karakter ni Aubrey.

Kasama nina Ken at Rita sa One of the Baes sina Tonton Gutierrez, Amy Austria, Edgar Allan Guzman, Kenneth Medrano ng That’s My Bae, at si Roderick Paulate.

JERRY OLEA: Nagtambal sina Ken at Arra San Agustin sa Kapuso sci-fi series The Cure (2018). Magkasama silang muli sa My Special Tatay.

Matapos ang open forum sa presscon ng MST, ang daming nag-interbyu kina Ken at Arra.

Nasolo kong tsikahin agad-agad si Rita, na pokpok ang papel doon.

Sabi noon ni Rita, siya talaga ang leading lady roon ni Ken.

At iyon na nga... breakthrough para kay Rita ang nasabing teleserye.

Nang talikuran ni Aubrey ang pagpopokpok at tanggapin ang pag-ibig ni Boyet, tuluyan siyang minahal ng televiewers.

Continue reading below ↓

Sa pelikula, nakaw-pansin ang papel ni Rita sa In The Name of the Mother bilang pasaway na anak ni Snooky Serna.

Sinabihan siya ng direktor nito na si Joel Lamangan na huwag siyang magpa-sweet—hindi iyon bagay sa kanya.

Sa 3rd Eddys noong Hulyo 14, Linggo, sa New Frontier Theater, kabilang si Rita sa opening number kung saan kinanta niya ang "Kiss Me, Kiss Me"(kasama sa soundtrack ng Miss Granny ni Sarah Geronimo).

Applauded si Rita, huh?!

Nasa 3rd Eddys din si Arra. Sila ni Juancho Trivino ang nag-host sa Red Carpet.

NOEL FERRER: Naging playground na nina Ken at Rita ang TV para pataasin nila ang value nila as actors.

Para kapag nagpelikula na sila, kagatin sana sila ng mga tao.

Ngayon, ano ang kulang gayong may toprating show sila, may talent, at nakakapag-concert din?

Bakit parang hindi pa rin sila household name or may premium enough to land a major major endorsement?

Continue reading below ↓

Kulang kaya sa branding? At ang talent, exceptional ba?

At sa personal life, madali bang kapitan, kasi nagpapakatotoo?

Iyan ang madalas itanong bago sabihan ni Lavinia Arguelles ng, “You’ll never make it!”

Good luck, Ken & Rita!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results