FDCP Chairperson Liza Diño, inakusahang "credit grabber" ng MMDA spokesperson

by PEP Troika
Jul 17, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

NOEL FERRER: Pumalag ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pag-ako raw ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) of what could be the 2nd MMFF as proposed by the new MMFF Execom member Senator Bong Go.

Kaugnay sa nalathala sa isang broadsheet ngayong Hulyo 17, Miyerkules, heto ang paglilinaw ng opisina ni MMDA Chairman Danny Lim:

“The Metro Manila Film Festival under MMDA acting on the proposal of MMFF Executive Committee Member Senator Bong Go that a 2nd MMFF be held in support of the film industry will meet today to craft the rules for the MMFF Summer Film Festival.

“Sen. Bong Go's office confirmed that a staff will attend the meeting. A genuine consultations with stakeholders particularly cinemas and producers will be held to finalize the rules.

“Sen. Bong Go's proposed 2nd MMFF is already on the agenda of the Metro Manila Council meeting on July 25, 2019 as a successful film festival needs the support of the the Mayors.

Continue reading below ↓

“As the name suggests, MMFF whether a Summer Film Festival or whatever season, like its long-running successful predecessor during the Christmas Holidays, will be under the MMDA/MMFF Execom and no member of the Execom or anyone for that matter can represent MMFF except its recognized Chair Danilo Lim.

“Let it be clear that FDCP is just one of the many bodies respresented in the MMFF Execom that ensures its efficient discharge of its mandate. So a second one or any offshoot will be under the MMFF Execom headed by the MMDA Chair."

JERRY OLEA: Ipinakilala sina Senador Bong Go at Congressman Dan Fernandez bilang bagong members ng MMFF 2019 ExeComm noong Hulyo 10, Lunes, sa MMDA office.

Matapos i-announce ang napiling first 4 entries ng MMFF 2019, inihayag ni Senator Bong Go na nag-usap sila ni Congressman Dan Fernandez kung anong legislative bill ang puwede nilang ipasa para makatulong sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Continue reading below ↓

Lahad ni Bong Go, “Unang-una, napapansin ko na po, since 1960s, medyo bumababa na po ang ating pelikulang Pilipino.

“Pero napapansin ko, tuwing Disyembre, malaki naman po ang kita natin pag exclusive pong pinapanood natin ay pelikulang Pilipino.

“Kumita po tayo ng P1.06B noong noong nakaraang Metro Manila Film Festival, in which I’m one of the jurors po noong panahong iyon.

“At first time ko pong nakapanood ng awards night doon po sa Solaire.

"But marami po akong kaibigan na mga artista na tumulong noong nakaraang eleksyon sa akin.

“At tuwing nag-uusap kami, malungkot po silang pinaparating sa akin, sabi nila, ‘Bong, puwede bang tulungan natin ang pelikulang Pilipino?’

“Marami pong mga manggagawa, hindi lang po mga artista, pati po mga manggagawa na umaasa sa mga pelikulang Pilipino.

“So, I’m here. I’m ready to help. I’m ready to support kung ano po ang puwede nating gawin sa pelikulang Pilipino sa ngayon.

Continue reading below ↓

“Meron po akong suggestion. Immediate suggestion—sana, next year po, pag-usapan namin ni MMDA Chairman Danny Lim at si GM Jojo, at iba pang mga kasapi ng ExeComm.

“Na puwede pong gawing dalawang beses po ang Metro Manila Film Festival sa isang taon.

“At siguro, pag-uusapan nila, paano po ang magiging mechanics nito. After December, kailan ba gagawin sa susunod na taon? Anong buwan ba nararapat?

“One week film showing po ito, na hindi naman po maaapektuhan iyong mga bonus natin, at sasang-ayon naman po sila sa aming magiging suggestion, at si Pangulong Duterte naman po ay gusto rin pong tulungan po ang...

“Alam niyo, lalung-lalo na po si Pangulong Duterte, gustung-gusto niyang tulungan po ang mga artistang Pilipino po.”

GORGY RULA: Nakakabilib ang sipag ng FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra.

Mas mabuting mag-focus siya sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na gaganapin sa Setyembre 13-19.

Continue reading below ↓

Ibigay na natin sa MMDA ang isa pang MMFF, kasi mas malaki sila at involved pa rito si Sen. Bong Go.

Marami pang problemang kailangang ayusin si Madam Liza, gaya ng Friday showing ng mga pelikula, ang mga problema ng mga maliliit na trabahador sa pelikula, at ang mga pagsali pa natin sa film festivals abroad.

Kung matutuloy man itong pangalawang MMFF, tiyak na magiging bahagi riyan ang FDCP.

JERRY OLEA: Nagpa-presscon ang FDCP noong Hunyo 11, Huwebes, sa Sequoia Hotel, Q.C. para ihayag ang pito pang official entries ng 3rd PPP.

Inusisa ko roon si FDCP Chair Liza kaugnay sa suggestion ni Senador Bong Go na gawing dalawa ang MMFF sa loob ng isang taon.

Nakangiting tugon ni FDCP Chair Liza, “Sana, gawin niya na April, para may [nationwide Pinoy filmfest kung] April, September, tapos, December. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kasi, wala pa tayong summer [nationwide Pinoy filmfest]! Wala pa tayong summer films.

Continue reading below ↓

“So, parang... if we really want this, if we see this as effective, I think we should have a week na all summer films, para mabalik yung mga pelikula talaga na pambata, pelikulang pampamilya. Mga summer blockbusters.

“I think we need that kind of... ahh... magandang platform yun para maengganyo uli ang mga ano.”

Merong nagsasabi na mas bumobongga ang PPP kesa sa December filmfest.

Komento ni FDCP Chair Liza, “Ahhm, ang goal ng bawat platform na ginagawa natin ay iangat ang pelikulang Pilipino.

“So, for me, I am a member of MMFF, I support MMFF.

“But also, of course, ang baby namin, itong PPP.

"Ang goal namin, matulungan ang producers, ma-showcase lahat ng puwedeng ma-showcase, at makatulong in every way possible na ano man yung mga gaps nila.

“So, dito talaga namin inilalaan lahat ng mga possible na support na puwede naming maibigay sa producers.”

Continue reading below ↓

Naka-focus muna si FDCP Chair Liza sa 3rd PPP at sa iba pang proyekto ng FDCP. Tuloy ba ang pagpapahinga niya para sa baby nila ni Ice Seguerra?

“Sa December,” mabilis na sagot ni Liza.

“Ayusin ko muna itong 100 Years [of Philippine Cinema], 'tapos marami rin kasing institutions, na hindi lang kami, na gustong gumawa ng events.

“So, gusto namin silang suportahan.”

NOEL FERRER: Pero teka, tila nag-init ang ulo ng tagapagtanggol ng MMDA na si Celine Pialago na ang sabi sa public post ay:

“Hi Madam Liza Diño-Seguerra, I think this is too much, we all know how you always pre empt the activities of MMDA-MMFF, whats worse you now want to make it appear that Sen Go’s suggestion of holding MMFF twice a year is part of your FDCP’s film policy. Can we give credit to whom it is due? #notocreditgrabber #notosobrangepal"

Continue reading below ↓

To whom it is due talaga, ha!?

I think Liza is full with a lot of things on her plate already. Will Celine be one of those? I doubt!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results