Sunshine Cruz, ipapanood ba sa BF ang maselang eksena nila ni Enzo Pineda?

by PEP Troika
Jul 17, 2019
PHOTO/S: Malamaya Youtube trailer

JERRY OLEA: Maalab ang sensual scenes nina Sunshine Cruz at Enzo Pineda sa Malamaya, isa sa 10 full-length films na magtatagisan sa 15th Cinemalaya indie filmfest sa Agosto 2 to 13.

Humingi ba ng permiso si Sunshine sa kanyang mga anak para gawin ang maseselang eksena?

"Ask? No. But I told them, and they understand naman kasi na bilang isang artista, meron tayong mga eksena na kailangan nating gawin dahil ikakaganda ng movie," pahayag ni Sunshine.

"They’ll be with me sa gala night. They are supporting me.

"And iyon ngang unang teaser na lumabas, they're very proud of it. Sabi nga nila, 'It's so indie. It's so beautiful, mom!'

"They are open-minded. And alam naman nila, e, kahit yung past before, what I did sa films.

"Hindi ko hinayaan na malaman pa nila sa ibang tao. Ako na mismo ang nagsabi sa kanila. I had to explain.

"And the kids right now are very smart. Oo, hindi sila judgmental. Basta. Nakakatuwa lang talaga.

Continue reading below ↓

"Sabi ko nga, kung hindi man nag-work iyong marriage ko, I was given three beautiful and smart children who support and love me," napangiting sambit ng aktres.

Ipapapanood ba niya ang Malamaya sa kanyang ex-husband?

Nakangiti pa ring sumagot si Sunshine, "Huwag na nating pag-usapan. Past is past. Yeah.

"Nakuha ko na iyong gusto ko. I’m now annulled. And I am single again. So, iyon na lang. Maganda iyong movie. Panoorin ninyo."

Ipapapanood ni Sunshine ang Malamaya kay Macky Mathay, pero hindi sa gala night sa Agosto 6, Martes, 6:00 p.m. sa Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theater).

"Kasi, baka imbes na panoorin ninyo [ang movie], titingnan ninyo iyong reaction niya, di ba?" katwiran ni Sunshine.

"So, gusto kong ma-appreciate ninyo iyong film, hindi iyong magiging reaction ni Macky. Huwag na lang. And he understands."

Hulyo 18, Huwebes ang ika-42 kaarawan ni Sunshine. Regalo na raw sana natin sa kanya ang pagsuporta sa kanyang unang pelikula sa Cinemalaya.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Nauuso ang older women, young men plots like Glorious (Angel Aquino & Tony Labrusca), 400 Miles (ng talent naming si Iza Calzado at Jameson Blake), then comes Belle Douleur (Mylene Dizon & Kit Thompson), at heto ngang Malamaya (Sunshine Cruz & Enzo Pineda).

Hindi na bago kay Sunshine ang maging mapangahas, pero how will she measure up with the award-winning actresses? Abangan!

GORGY RULA: Sa totoo lang, mas maganda pa rin si Sunshine sa mga anak niya.

Paganda nang paganda naman ang mga bagets. Pero hindi maitatangging MILF ang aktres.

Di ba, may isang young actor dati na gumanap na anak ni Sunshine, pero hindi ina ang pakiramdam niya kapag niyayakap niya sa eksena?

Ewan kung may namagitan sa kanila nun.

Lalo na ngayong sumeseksi pa ang aktres. Tiyak na marami pang mapapalatak sa kanya!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Malamaya Youtube trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results