"Death" scene ni Cardo sa Ang Probinsyano, pumalo ng 43.9% sa Kantar Media

by PEP Troika
Jul 19, 2019
PHOTO/S: Screengrab from FPJ's Ang Probinsyano's Youtube

NOEL FERRER: Patay ba o buhay si Cardo Dalisay (Coco Martin) pagkatapos siyang ratratin ng pagbabaril ni Bungo (Baron Geisler) sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Pagtatapos ba ito ng bagong kabanata at paglabas ba ng panibagong Cardo?

Iyan ang kainaman sa isang teleserye, may iba’t ibang yugto—kaya glued ang mga tao kung ano ang susunod.

Saan ba pupulutin si Cardo?

Oh well, mamaya, inaasahang dadalo si Coco sa espesyal na pagtatanghal ng Rak Of Aegis sa imbitasyon namin ni Presidente Oscar na si Rowell Santiago.

First performance mamaya ni Kuya Randy Santiago at a-attend si Coco Martin at ang ilang kasamahan sa top-rating Kapamilya teleserye.

Hindi lang siya basta a-attend. Alam ba ninyong laging tumutulong mag-subsidize si Coco ng public school students para makapanood ng Philippine Educational Theater Association(PETA) play?

Ginawa na niya ito sa Kundiman Party at meron na naman sa kabuuan ng Rak Of Aegis Season 7.

Continue reading below ↓

Isa pang exciting na aabangan ay ang reunion nila ng dating FPJ's Ang Probinsyano cast member na si Pepe Herrera, na siyang papapel na bangkerong Tolits mamaya sa Rak Of Aegis.

So mga ka-Troika, ang pusta ko talaga, buhay si Cardo. Kayo?

JERRY OLEA: Basta, si Coco Martin ang title role na FPJ’s Ang Probinsyano, kaya mananatili siya sa programa.

Andiyan nga at pasok na si Judy Ann Santos, di ba?!

Hindi naman ito Game of Thrones na sa dami ng pangunahing artista ay hindi mo alam kung aling karakter ang matetegi.

Matagal nang namamayagpag ang FPJAP.

Pero noong magsisimula na ang campaign period para sa May 13 elections, isa-isang nangamatay ang mga karakter ng mga artistang kandidato.

Kahit number one pa rin ito, bumaba sa line of four ang ratings nito sa Kantar Media.

Sa mga bagong kaganapan ng FPJ’s Ang Probinsyano, sa pagkakaalam ko ay this week lang bumalik sa line of four ang national ratings (Urban + Rural) nito sa Kantar Media—40.1% noong Lunes (Hulyo 15) at 43.9% noong Martes (Hulyo 16).

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Nakakatawa ang reaksiyon ng ilang netizens—na alam naman nila kung paano gumawa ng kaabang-abang na cliffhanger sa mga teleserye ng ABS-CBN.

Merong nag-comment na hindi sila naniniwalang mamamatay si Cardo. Sino ba naman daw ang bida na mamamatay sa araw ng Martes?

Base rin sa mga reaksiyon ng listeners namin sa radio program namin sa DZRH, hindi sila maniniwalang ma-dead si Cardo. Unless may ka-triplet pa raw ito at may bagong karakter ni Coco ang lalabas.

Sabi ng isang listener na nag-text sa amin, “Kailangan pa bang i-memorize iyan? Mabuti pa, Sahaya na lang panoorin ninyo!”

Hindi ako makapagbigay pa ng dagdag pang komento dahil publicist kasi ako ng GMA-7 prime-time series na The Better Woman, na sumusunod sa timeslot ng Sahaya, katapat ng top-rated teleserye ni Coco. Ayun!

Sa mga Cebuano, abangan ninyo na lang pala bukas sa South Town Centre sa Talisay City, Cebu sina Derek Ramsay at Andrea Torres para sa Kapuso Mall Show nila roon kasama ang ilang cast ng pelikulang Family History at ang bagong Kapuso drama series na Prima Donnas.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screengrab from FPJ's Ang Probinsyano's Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results