FDCP Chair Liza Diño, nagulat sa pagsasampa ng kaso ng theater owners

by PEP Troika
Jul 19, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Hindi ko masyadong nagustuhan ang photorealistic computer-animated remake na The Lion King, na napanood ko ang 3:55 P.M. screening sa Trinoma nitong Hulyo 18, Huwebes.

Pakiramdam ko ay nanood lang ako ng National Geographic. Hindi ako gaanong nakakonek.

Ang liwa-liwanag nang kantahin ang "Can You Feel The Love Tonight." Kulang sa spark ang “landian” nina Simba at Nala.

Continue reading below ↓

Nahabaan ako sa running time nitong 118 minutes. Mas nagustuhan ko ang original na animated version noong 1994, na 88 minutes lang ang haba.

Mas bromantic doon sina Timon at Pumbaa!

Siyanga pala, kasabay ng The Lion King na nag-open noong Hulyo 17, Miyerkules, ang My Letters to Happy nina Glaiza de Castro, TJ Trinidad, at Odette Khan.

Ipinalabas ito noong Miyerkules sa 98 sinehan—34 sa Kamaynilaan, 64 sa mga lalawigan.

Sabi sa Twitter account ng pelikula, 42 na lamang ang mga sinehan nito ngayong Biyernes.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Ayon sa mapagkakatiwalaan nating sources sa theater chains, naka-P39M ang The Lion King sa first day nito nationwide.

Nang tanungin ko ang resulta ng My Letters To Happy, ang tanging sagot lang ay, “Sad face, hindi happy.”

Meaning, halos walang record ito na major gross.

Sinabi rin ng theater owners na Wednesday pa rin ang ina-apply ng producers na pagbubukas ng mga sine nila na umabot na hanggang next year.

Paano na kaya?

GORGY RULA: Kulang na kulang kasi talaga sa promo ang My Letters to Happy. Mabuti nga at nai-book pa sila.

Pero itong isyu ng Wednesday at Friday na showing, nasa producers na siguro ang may desisyon kung aling araw ang gusto nila.

Kasi, ayon sa ilang producers na napagtanungan ko, gusto raw nila ang Biyernes na showing.

Ang theater owners ba ang kumokontra?

Ang buong akala ko pa naman, naayos na ito at may lumabas nang Memorandum Circular (MC) No. 2019-01.

Continue reading below ↓

Ngayon ay nagkakasuhan na sila.

Nang tinanong ko si Chairman Liza Diño tungkol sa isyung kakasuhan ng cinema owners ang FDCP, nagulat siya dahil maayos daw silang nagkasundo bago inilabas ang kanilang memorandum.

“Bilang gobyerno, hindi kami puwedeng maglabas ng kahit na anong polisiya na hindi kumukonsulta sa mga stakeholders. Imposible na that they weren’t part of the dialogue.

“We have pictures to prove. I’ve been reporting sa Facebook ko.

“In reference to that, hindi ko alam kung saan galing yung wala silang alam.

"Nandoon sila, e. Nandoon sila sa dialogue.

“Very productive ang discussion noon, e. Gusto naming i-clarify sa kanila kung saan nanggagaling yun,” sagot ni Madam Liza.

Nitong Hulyo 18, Huwebes ay naglabas ng statement ang FDCP na hindi na muna sila magbibigay ng kung anumang pahayag kaugnay sa isyung ito.

Hintayin na lang daw muna nila ang summons mula sa korte para ma-review nila ang kaso.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results