Christopher de Leon at Tirso Cruz III, tinanggihan ang reunion project with Nora Aunor

by PEP Troika
Jul 19, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Excited si Direk Joel Lamangan na pagsama-samahin sina Nora Aunor, Christopher de Leon, at Tirso Cruz III sa pelikulang Isa Pang Bahaghari.

Reunion movie sana ito ng tatlong bida sa Mahal Mo, Mahal Ko (1978) na idinirek ni Elwood Perez.

Kaso, tumanggi sa project sina Christopher at Tirso.

Ini-announce ng line producer na si Dennis Evangelista nitong Hulyo 19, Biyernes, na pasok sa cast si Phillip Salvador. Ito ang kapalit ni Christopher.

Nagtambal sina Nora at Phillip sa mga pelikulang Nakaw na Pag-ibig (1980), Bona (1980) at Tinik sa Dibdib (1985).

Sino kaya ang sasalo sa gay role na tinanggihan ni Tirso?

Kabilang sa mga lumutang na pangalan sina Michael de Mesa, Bembol Roco, Lloyd Samartino, Ricky Davao, Joel Torre, Albert Martinez, Cesar Montano, Eric Quizon, Noni Buencamino, Edu Manzano, at John Rendez.

Malalaman natin sa storycon kung sinu-sino pa ang kasama sa cast ng pelikula.

NOEL FERRER: Ang balitang narinig ko, sina Phillip Salvador at Michael de Mesa ang papalit kina Boyet de Leon at Tirso Cruz III.

Continue reading below ↓

Let Direk Joel Lamangan’s magic prevail.

Pero iba pa rin ang orig na Boyet at Tirso with Nora, may interes sa tunay na buhay.

Ang Phillip-Michael, bagamat mahuhusay at premyadong mga aktor din naman, ay trabaho lang.

GORGY RULA: Ano ba ang komento, Sir Noel, ng nasa Selection Committee ng MMFF 2019 sa script ng Isa Pang Bahaghari?

May kulang ba kaya hindi napili sa first batch na pasok sa 45th MMFF?

Pero siyempre, forte ni Direk Joel Lamangan ang ganitong drama kaya baka mapaganda niya ang takbo ng kuwento lalo na’t napakagaling ng mga gaganap.

Sana, magaling din at malakas ang hatak ng co-stars nina Nora, Phillip, at Michael.

Hindi kasi natin matiyak sa box office kapag silang tatlo ang ibebenta. Kailangan ng malakas ding young stars.

Abangan natin iyan!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results