Mark Herras, may bagong girlfriend?

by PEP Troika
Jul 19, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

GORGY RULA: Ayaw sagutin ni Mark Herras ang pangungulit ko kung sila na ba ng baguhang aktres na si Nicole Donesa.

Kasama ni Mark si Nicole sa afternoon drama ng GMA-7 na Bihag, at mukhang nabihag nito ang puso ng aktor.

Ayon sa ilang reliable source na napagtanungan ko, mahigit isang buwan na silang lumalabas at tila tuluy-tuloy ang panunuyo ng first StarStruck Utimate Male Survivor sa dalaga.

Sino ba si Nicole Kim Donesa?

Si Nicole ay finalist sa Binibining Pilipinas 2013, pero hindi pinalad na magka-title.

Sumali siya sa Miss World Philippines noong 2014, at naging Third Princess siya.

Naging talent na siya ng GMA Artist Center kaya napasali siya sa Bihag.

Dagdag pang tsikang nasagap ko, magandang impluwensiya si Nicole kay Mark dahil napakarelihiyosa ng dalaga.

Kaya laging kasama si Mark sa pagsisimba tuwing Linggo at sumasama pa itong nagsisimba sa Our Lady of Manaoag sa Pangasinan.

Mahigit limang buwan nang break sina Mark at Winwyn Marquez.

Continue reading below ↓

Obvious na nakapag-move on na sila.

Na-link si Winwyn kay Alden Richards, at si Mark naman ay tila nabibihag na kay Nicole.

NOEL FERRER: Masaya tayo para sa mga taong nagmamahalan, lalo na kung maganda at mabuti ang impluwensiya nila sa isa’t isa.

Katulad ng lagi kong sinasabi, water seeks its own level!

JERRY OLEA: Matapos makipag-break kay Mark Herras, na-link si Winwyn Marquez kay Alden Richards.

Isasama kasi sana ni Alden si Winwyn sa panonood ng isang show, pero naudlot iyon.

Ngayon naman, gustong ireto ni Joross Gamboa si Alden sa kaibigan niyang si Sandara Park.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results