Kathryn Bernardo at Nadine Lustre, patuloy ang labanan sa takilya

by PEP Troika
Jul 20, 2019
PHOTO/S: Star Cinema / Viva Films

JERRY OLEA: Ramdam ko na may animosity sa pagitan ng avid fans nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.

'Tsura ng Noranians at Vilmanians!

Nag-Best Performer si Nadine sa Young Critics Circle, at Best Actress sa 67th FAMAS Awards at 42nd Gawad Urian.

Ito ay para sa pelikula nila ni James Reid na Never Not Love You, na idinirek ni Antoinette Jadaone para sa Viva Films.

Marso 31, 2018 ito ini-release.

Nag-Best Actress naman si Kathryn sa 35th PMPC Star Awards for Movies (katabla si Sarah Geronimo para sa Miss Granny) at 3rd Eddys.

Ito ay para sa pelikula nila ni Daniel Padilla na The Hows Of Us, na idinirek ni Cathy Garcia-Molina para sa Star Cinema.

Agosto 29, 2018 ito ipinalabas, at ito ang pinakamalakas na Pinoy movie sa kasaysayan (hindi adjusted sa inflation).

Sa Hulyo 31 magpapayanig ang bagong movie ni Kathryn, ang Hello, Love, Goodbye, katambal si Alden Richards.

Continue reading below ↓

Idinirek ito ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina para pa rin sa Star Cinema.

Sa Agosto 7 iindayog ang bagong movie ng Multimedia Princess na si Nadine, ang Indak, katambal si Sam Concepcion.

Continue reading below ↓

Idinirek ito ng baguhang si Paul Basinillo para sa Viva Films.

NOEL FERRER: Simple lang naman iyan.

Ang katotohanan—based on facts lang—sa awards season, safe sabihin na si Nadine Lustre ang critics choice, samantalang si Kathryn Bernardo ang press choice.

Sa box-office, aminado at tanggap yata ng lahat na lamang si Kathryn.

Sa aktingan na lang lalaban talaga si Nadine at sa kabuuan ng pelikula siguro.

Ako, gusto ko silang mapanood sa isang pelikula together.

Baka iyun ang magandang mangyari, what do you think?

JERRY OLEA: Ratsada ang promo ng KathDen.

Meron silang HLG Celebration of Love and Music ngayong Hulyo 20, Sabado, 7:00 PM sa Skydome ng SM North EDSA.

Kahit P1,290 ang tiket, sold out ito.

Maliban kina Kathryn at Alden, magpe-perform dito sina Kakai Bautista, Lovely Abella, Joross Gamboa, Jeff Tam, Angeline Quinto, Acel, Davey Langit, Ylona Garcia, Patrick Quiroz, Wilbert Ross, Justin Vasquez at KD Estrada.

Continue reading below ↓

Ano kaya ang gimik ng SaDine para umingay ang kanilang movie?

GORGY RULA: Tingin ko, hindi nag-e-expect ang mga taga-Viva na malalagpasan ng Indak ang Hello, Love, Goodbye.

Simula pa lang ng shooting, pinag-uusapan na itong pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Pagdating sa promo, meron pa silang Playdate at Poster Reveal na dinagsa ng napakaraming fans.

Lahat ng mall shows nila, dinudumog ng mga tao.

More & more ang ikinasang block screenings. May international playdates pa!

Dagdag pa itong pa-concert nila sa SM Skydome mamayang gabi na bahagi pa rin ng promo ng pelikula, pero may pa-ticket at sold out na.

Kaya nakapag-promote na, kumita pa sila.

Sana may magagawa ring ganoong promo ang Viva para sa Indak na swak na swak pa naman dahil musical ito, di ba?

Ramdam na namin ang lakas sa takilya nitong Hello, Love, Goodbye, pero sana kumita rin ang Indak at hindi maapektuhan ng lakas ng HLG na mauunang mag-showing sa kanila.

Continue reading below ↓

Huwag sanang kalimutan ng moviegoers na bago ang showing ng dalawang pelikulang ito, mauuna ang Family History na obra ni Michael V na magsu-showing na sa July 24.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Star Cinema / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results