Netizens, naaliw sa Instagram Live coverage ni Ruffa Gutierrez ng Pacquiao-Thurman fight

by PEP Troika
Jul 21, 2019
PHOTO/S: Ruffa Gutierrez Instagram

GORGY RULA: Naaliw ang Instagram followers ni Ruffa Gutierrez nang mag-live ito sa laban nina Sen. Manny Pacquiao at Keith Thurman sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada ngayong Hulyo 21, Linggo (Manila time).

Mahigit 3,000 followers ang tumutok sa IG live ni Ruffa na tuwang-tuwa sa kanya dahil hindi niya ito tinantanan.

Nag-live siya mula round 1 hanggang sa announcement na si Pacman ang nagwagi via split decision.

Isa ako sa tumutok sa IG live ni Ruffa at naaliw ako kung paano mag-annotate si Ruffa sa laban na ito nina Pacquiao at Thurman.

Hindi niya kasi alam ang mechanics ng laban at hindi niya alam kung may puntos ba si Manny o wala.

Tili lang siya nang tili at nagtatanong pa sa katabi kung ano na ang nangyayari.

Kaya kahit nate-tense na ang nanonood sa bakbakan ng dalawang boksingero, medyo gumagaaan ang pakiramdam dahil naaaliw sila sa mga komento ni Ruffa.

Continue reading below ↓

May ilan pang nanonood sa bandang likuran niya na nagsasalita ng nasty comments laban kay Pacquaio at dagdag pa iyun sa irita stress kay Ruffa.

Hindi lang niya puwedeng awayin ang naririnig naming nagku-comment ng “Go Manny Nanny!” kaya bumubulung-bulong lang ito sa IG Live na naloloka na raw siya sa mga nanonood sa likuran niya.

Nang binanggit ang unang announcement na split decision, hindi naintindihan ni Ruffa kung ano ang ending ng laban.

“Ano yun, tabla?” tili ng actress/TV host.

Bandang huli na lang siya halos mapaos sa katitili nang in-announce na ang pride of the Philippines, si Sen. Pacquiao ang champion.

Sunud-sunod ang pasasalamat ng netizens kay Ruffa dahil napanood nila nang libre ang laban sa kanyang IG live.

Bukod pa roon, naaliw sila sa side comments ni Ruffa na walang kamalay-malay sa takbo ng laban.

Basta sigaw lang siya nang sigaw ng nakakatawang tili mala-Ruffa na, “Oh my gosh! Go, Manny!”

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Lucky charm ni Pacman si Miss Universe Catriona Gray.

Sold-out ang attendance sa laban.

14,356 ang nanood sa MGM Grand Garden Arena, ayon sa official announcement ng Premiere Boxing Champions (PBC) at Magna-Media.

Aabot kaya si Pacquiao sa SONA ni President Duterte bukas?

Magsisilbing victory celebration ang free concert ng Pambansang Kamao sa Setyembre 1 sa Araneta Coliseum.

Tiyak na dudumugin ng fans ang Manny Pacquiao Live In Concert 2019, na ipoprodyus ng Global Crypto Offering Exchange (GCOX), sa pakikipagtulungan ng ALV Events International.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Ruffa Gutierrez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results